Pio Monte della Misericordia

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang eskultura sa pasukan ng simbahan
Pio Monte della Misericordia
PioMonteMisericordiaNaples.jpg
Patsada
Itinatag1602
LokasyonVia dei Tribunali 253, Napoles, Campania, Italya
Mga koordinado40°51′07″N 14°15′38″E / 40.851871°N 14.260426°E / 40.851871; 14.260426
UriMuseo ng sining, Makasaysayang pook
Sityowww.piomontedellamisericordia.it
Pitong Mahabaging Gawain, 1606-1607, sa dakilang dambana ng Pio Monte della Misericordia, Napoles

Ang Pio Monte della Misericordia ay isang simbahan sa makasaysayang sentro ng Napoles, katimugang Italya. Tanyag ito sa mga likhang sining, kasama ang Pitong Mahabaging Gawain ni Caravaggio. Isang kapatirang pangkawanggawa (Pio Monte della Misericordia na nangangahulugang "Banal na Bundok ng Habag" sa Italyano) ay itinatag noong Agosto 1601 ng pitong batang maharlika, na nagkikita tuwing Biyernes sa Ospital para sa mga Hindi Magamot at naglingkod sa mga maysakit.[1][2]

Noong 1602 nagtatag sila ng isang institusyon at nagkomisyon ng isang maliit na simbahan,[1] itinayo ni Gian Giacomo di Conforto, malapit sa hagdanan na patungo sa Katedral, sa sulok ng Via dei Tribunali at Vico dei Zuroli.[3] Noong 1605, nakatanggap sila ng liham apostoliko mula kay Papa Pablo V, na nagbibigay ng natatanging pribilehiyo sa dakilang dambana.[1]

Ang simbahan ay pinasinayaan noong Setyembre 1606.[3] Mula 1658 hanggang 1678 ang edipisyo ay pinalaki, kasama rin ang pagsasama ng mga kalapit na estruktura, ng arkitektong si Francesco Antonio Picchiati, na bumubuo ng isang complex na may palasyo at isang panibagong simbahan.

Ang huli, sa dakilang dambana, matatagpuan ang Pitong Mahabaging Gawain ni Caravaggio. Mayroon ding mga pinta na likha nina Luca Giordano, Carlo Sellitto, Fabrizio Santafede, Battistello Caracciolo at iba pa.

Ang mga maharlika ng kapatiran sa Pio Monte della Misericordia ay naghanap ng mga pintor "upang magbigay ng permanenteng biswal na ekspresyon sa kanilang misyong pangkawanggawa". [4] Ukol sa matalim na contrasts ng chiaroscuro sa pagpipinta ni Caravaggio, ipinaliwanag ng historyanong Aleman na si Ralf van Bühren ang maliwanag na ilaw bilang isang talinghaga para sa awa, na "tumutulong sa madla na tuklasin ang awa sa kanilang sariling buhay".[5]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang source]

  1. 1.0 1.1 1.2 Langdon, Helen (2012). Caravaggio. Random House. ISBN 9781448105717.
  2. Black, Christopher (1989). Italian Confraternities in the Sixteenth Century. Cambridge University Press. pa. 258–260. ISBN 9780521364874.
  3. 3.0 3.1 Graham-Dixon, Andrew (2011). Caravaggio: A Life Sacred and Profane. W. W. Norton. ISBN 9780393081497.
  4. Graham-Dixon 2010, 340.
  5. Bühren, Ralf van (2017). "Caravaggio's 'Seven Works of Mercy' in Naples. The relevance of art history to cultural journalism". Church, Communication and Culture. 2: 63–87. doi:10.1080/23753234.2017.1287283.

Bibliograpiya[baguhin | baguhin ang source]

Mga panlabas na link[baguhin | baguhin ang source]