Pumunta sa nilalaman

Sulat sa mga Hebreo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Ang Sulat sa mga Hebreo)
Bagong Tipan ng Bibliya

Ang Sulat sa mga Hebreo ay isang aklat sa Bagong Tipan ng Bibliya na nakahanay sa mga Sulat ni San Pablo. Bagaman nakahanay ito sa mga liham na isinulat ni Pablong Apostol, hindi natitiyak kung sino talaga ang may-akda nito,[1] sapagkat hindi pangkaraniwan ang liham dahil sa kawalan ng lagda at ang pangalan ng may-akda ay tila hindi kailanman nalalaman ng maagang Simbahang Kristiyano.[2] Nagkaisa lamang ng mga palagay ang mga dalubhasa sa Bibliya na hindi ito isa sa mga tunay na sulat ni San Pablo dahil sa pagiging kaiba ng kaparaanan ng pagkakasulat.[1]

Nais ng liham na palakasin ang mga kalooban ng mga Hudyong naging mga Kristiyano. Ang mga bagong Kristiyanong ito ay maaari kasing mahalinang manumbalik sa kanilang dating relihiyon dahil sa nagaganap na pagsamba sa Herusalem.[1] Isa itong pilosopikal na liham (katulad ng Ebanghelyo ni Juan) na nag-aanyaya ng katapatan sa pananampalatayang Kristiyano sa kabila ng panahon ng pag-uusig. Nakamit ng liham na ito ang mga layuning ito sa pamamagitan ng paggamit ng Lumang Tipan ng Bibliya. Sa ganitong paraan, tinunton ng liham ang kasaysayan ng pananampalataya hanggang sa kapanahunan ng may-akda. Tinatanaw ng liham si Hesukristo bilang katuparan at kaganapan ng sinaunang mga pangako ng Diyos.[2]

Itinuturo ng sulat na ito ang ganitong mga bagay:[1]

  • Na si Hesukristo ay mahigit kaysa mga anghel at kaysa kay Moises
  • Na si Hesus ay Anak ng Diyos
  • Na si Hesus ay kapantay ng Diyos Ama
  • Na ang pagkapari ni Hesus ay mahigit kaysa mga Levita
  • Na inihain ni Hesus ang sarili upang tubusin ang mga kasalanan ng mga tao
  • Na ang Dugo ni Kristo ay mahalaga at mahigit kaysa dugo ng mga hayop na nasa Lumang Tipan
  • Na nagdurulot ng "kaligtasang walang hanggan" ang Dugo ni Kristo
  • Na ang mga tao ay dapat maging katulad ng naunang mga banal na umasa sa Mesias
  • Na dapat manatili ang mga tao sa pagsampalataya kay Hesukristo

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 Abriol, Jose C. (2000). "Sulat sa mga Hebreo". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 1750.
  2. 2.0 2.1 "Letter to the Hebrews". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Pauline Epistles, New Testament, Bible, pahina 162.

Mga panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]