Anti-androheno
Itsura
(Idinirekta mula sa Antiandrogen)
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Ang mga anti-androheno (Ingles: antiandrogen) ay grupo ng mga kemikal na antagonista (humaharang) sa pagpapagana ng testosteron sa mga reseptor ng androheno sa tisyu ng mga lalake at bababe. Ang epekto ng pagpapagana testosterone sa reseptor ng androheno ang responsable sa mga katangiang panlalake gaya ng mababang boses, alopecia, paglaki ng masel at iba pa. Ang mga katangiang ito ay maaari ring lumitaw sa mga babaeng may labis na testosterone na inilalabas sa mga obaryo at glandulang adrenal nito.
Mga gamit
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Ang pagkakapon ay ginagawa upang alisin ang katangiang panlalake sa mga lalakeng may medikal na karamdamang transekswalismo. Ito ay tumutukoy sa mga indbidwal na ipinanganak na lalake ngunit may identidad ng babae. Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pag-inom ng antiandrogen o pag-aalis ng testitikulo sa pagpapalit ng kasarian (sex change).
- Sa sistemang pangkrimen sa Estados Unidos at iba pang bansa, ang kemikal na pagkakapon gamit ang mga antiandroheno ay ginagamit upang mabawasan ang libido (libog) ng mga nanghahalay ng mga kabataan (na nakikilala sa Ingles bilang mga sex offender).
- Ang kemikal na pagkakapon ay ginagamit upang pigilan ang paglago ng kanser sa prostata.
- Ang kemikal na pagkakapon ay ginagamit sa mga babae upang bawasan ang mga epekto ng labis na testosteron nito sa katawan na inilalabas sa mga obaryo o glandulang adrenal nito. Kabilang sa mga epektong ng testosteron sa mga babae ang seborrhea, alopecia (pagkakalbo), amenorrhea (kawalan ng regla), hirsutismo (labis na buhok sa mukha o katawan), at hidradenitis suppurativa.
Mga halimbawa
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Spironolactone (Aldactone, Spirotone)
- Cyproterone acetate (Androcur, Climen, Diane 35, Ginette 35),
- Flutamide (Eulexin), nilutamide (Anandron, Nilandron) at bicalutamide (Casodex),
- Ketoconazole (Nizoral)
- Finasteride (Proscar, Propecia) at dutasteride (Avodart),
- DDE - isang metabolito ng DDT. Ang DDE ay umaakto bilang isang mahinang antiandroheno.
- Bexlosteride
- Izonsteride
- Epristeride
- Turosteride
- RU58841, isang hindi pang-isteroid na anti-androheno.