Apostolikong Hari ng Unggarya
Itsura
- Tingnan din ang Hari ng Unggarya.
Ang Apostolikong Hari ay isang namamanang titulo na ginagamit ng mga hari ng Unggarya. Pinaniniwalaan na pinagkalooban ni Papa Silvestre II si Santo Esteban (997-1038) na gamitin ang titulo na ito noong panahon ng kanyang paghahari. Ang mga kalagayan ng hari na isa-Kristiyano ang kanyang kaharian ay itinuring na katulad ng labindalawang alagad ni Hesus. Una itong ginamit ng Banal na Emperador Romano Leopoldo I (1657-1705) nang maghari siya bilang Hari ng Unggarya, at huling ginamit ni Carlos IV (1916-1918).
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.