Pumunta sa nilalaman

Apropriyasyon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang apropriyasyon o pag-aangkop sa larangan ng sining ay ang paggamit o paghiram ng mga bagay na umiiral sa kasalukuyan, at binabago ito, kahit konti o hindi, para makabuo ng isang panibagong transpormasyon. Itong panibagong transpormasyon ng sining ay nag-uugat sa bagay na hiniram bilang batayan ng gawa. Ang paggamit ng apropriyasyon ay may ginagampanang mahalagang katayuan sa kasaysayan ng sining (pampanitikan, biswal, pang-musika at mga sining-pagganap). Sa sining-biswal, nangangahulugan ang pag-aangkop bilang ang kinakailangan ng wastong pagpapatibay, paghihiram, pag-resikulo, o paghahalimbawa ng mga aspeto (o kabuuang porma) ng kalinangang biswal na gawa ng tao.

Likas sa ating pag-uunawa na ang apropriyasyon ay isang konsepto na ang bagong gawa ng sining ay nabubuo muli ang konteksto o kaisipan, gamit ang kung anumang 'bagay' na hiniram ng manggagawa upang makabuo ng isang bagong gawa ng sining. Sa karamihan ng pagkakataon, ang orihinal na 'bagay' ay mananatiling madaling kunin bilang orihinal na gawa mismo na walang pagbabago.

Ang apropriyasyon ay pinakahulugan bilang "ang pagkuha, sa isang gawa ng sining, ng isang tunay na bagay o kahit ang isang umiiral na gawa ng sining."[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Wilson, Simon; Lack, Jessica (2008), The Tate Guide to Modern Art Terms (sa wikang Ingles), London: Tate Publishing Ltd, pp. 20–21, ISBN 978-1-85437-750-0{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)