Aquila ng Sinope
Si Aquila (pron. Ah-kee-lah o mas akma AK-will-uh: pagbigkas [akuila]) ng Sinope isang ika-2 siglo CE katutubo ng Pontus sa Anatolia na kilala sa paglikha ng isang labis na literal na salin ng Tanakh sa Griyego noong mga 130 CE.[1] Siya ay isang akay sa Hudaismo at alagad ni Rabbi Akiba[1] (d. c. 135 CE). Si Epiphanius (De Pond. et Mens. c. 15) ay nag-ingat ng isang tradisyon na si Aquila ay isang kamag-anak ng emperador na si Hadrian na nagbigay sa kanya ng trabaho upang muling itayo ang Aelia Capitolina sa Herusalem at siya ay naakay sa Kristiyanismo ngunit sa pagsaway sa kanya sa pagsasanay nito ng paganong astrolohiya, siya ay lumipat sa Hudaismo. Siya ay tila tinutukoy sa mga kasulatang Hebreo bilang עקילס. Ang bersiyon ni Aquila ay sinasabing pumalit sa lugar ng Septuagint sa mga sinagoga ng mga Hudyo. Ang mga Kristiyano sa pangkalahatan ay hindi nagustuhan ang saling ito ni Aquila na nag-aakusa dito nang walang sapat na dahilan na inilapat nito ang mga talatang mesiyaniko gaya ng Isaiah 7:14 nang hindi tama [1]. Gayunpaman, ang saling ito ay pinuri nina Jerome at Origen. Ang bersiyon na ito ay isinama ni Origen sa kanyang Hexapla.
Inaakala na ang Hexapla ang tanging kopya ng umiiral na salin ni Aquila ngunit ang 1897 mga pragmento ng dalawang mga codex ay dinala sa Cambridge University Library. Ang mga ito ay inilimbag-mga pragmentong naglalaman ng 1 Mga Hari 20:7–17; [[2 Mga Hari 23:12–27 ni F. C. Burkitt noong 1897, at ang mga naglalaman ng Aklat ng mga Awit Psalms 90–103 ni C. Taylor noong 1899. [2]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 Ewert, David (1990). A General Introduction to the Bible: From Ancient Tablets to Modern Translations. Zondervan. p. 108. ISBN 0-310-45371-2.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Article on Aquila in the Jewish Encyclopedia