Mga Aklat ng mga Hari

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang Mga Aklat ng mga Hari o Book (s) of Kings (Ebreo: Sepher M'lakhim, ספר מלכים‎ - ang dalawang mga aklat na orihinal na isa [1]) na nagtatanghal ng isang salaysay ng kasaysayan ng sinaunang Israel at Judah mula sa kamatayan ni David hanggang sa pagpapalaya ng kanyang kahaliling si Jehoiachin mula sa pagkakabilanggo sa Babilonia na isang yugto ng mga 400 taon (c.960-560 BCE).[2] Ito ay nagwawakas sa isang serye ng mga historikal na aklat na mula Aklat ni Josue hanggang Mga aklat ng mga Hukom at Mga Aklat ni Samuel, na ang kabuuang layunin ay upang magbigay ng isang teolohikal na paliwanag sa pagkawasak ng kahariang Hudyo ng Imperyong Babilonia noong 586 BCE at isang pundasyon ng pagbabalik mula sa pagkakatapon sa Babilonia.[2]

Ang mga Hari ay nagsisimula sa kamatayan ni David kung saan si Yahweh na diyos ng mga Israelita ay nangako ng isang walang hangganan dinastiya at paghahali ng kanyang anak na si Solomon. Si Solomon ay pinuri sa kanyang karunungan at kayamanan ngunit kanyang nasiphayo si Yahweh sa pamamagitan ng pagpayag ng pagsamba ng ibang mga diyos sa Herusalem. Dahil dito, hinati ng diyos na si Yahwen ang kaharian sa dalawa na ang linya ni David ay naghahari sa katimugang Kaharian ng Judah at isang hiwalay na Kaharian ng Israel (Samaria) sa hilaga. Ang mga hari ng Israel ay pare parehong masama na pumayag sa ibang mga diyos maliban kay Yahweh na sambahin at kalaunan ay idinulot ni Yahweh ang pagkawasak ng kaharian. Ang ilan sa mga hari ng Judah ay mabuti ngunit ang karamihan ay masama kaya kalaunan ay winasak rin ni Yahweh ang kahariang ito.

Komposisyon[baguhin | baguhin ang batayan]

Kasaysayang tekstuwal[baguhin | baguhin ang batayan]

Sa orihinal na Bibliyang Hebreo, ang Una at Ikalawang mga Hari ay isang aklat tulad ng Una at Ikalawang Samuel. Nang ito ay isalin sa Griyego noong huli ng mga siglo BCE, ang mga Hari ay pinag-isa ni Samuel sa isang apat na bahaging akdang tinatawag na Aklat ng mga Kaharian. Ang sangay ng Kristiyanismong Ortodoksong Griyego ay patuloy na gumagamit ng saling Griyegong Septuagint ngunit nang ang isang saling Latin na tinatawag na Vulgate ay ginawa para sa kanlurang iglesia, ang Mga Kaharian ay muling binigyan ng pamagat na Aklat ng mga Hari, bahaging isa hanggang apat at kalaunang ang parehong Mga Hari at Samuel ay inihiwalay sa dalawang aklat bawat isa. [3]

Kasaysayang Deuteronomistiko[baguhin | baguhin ang batayan]

Ayon sa tradisyong Hudyo, ang may-akda ng Mga Hari ay si Jeremias na sinasabing nabuhay sa panahon ng pagbagsak ng Herusalem noong 586 BCE.[4] Ang pinakaraniwang pananawa na tinatanggap ngayon ng mga iskolar ang tesis ni Martin Noth na ang Mga Hari ay nagwawakas sa isang magkaisang serye ng mga aklat na rumiriplekta sa wika at teolohiya ng Deuteronomio na tinatawag ng mga skolar na Kasaysayang Deuteronomistiko.[5] Ikinatwiran ni Noth na ang Kasaysayan ay akda ng isang indibidwal na namuhay noong ika-6 siglo ngunit ang mga skolar sa kasalukuyang panahon ay tinatrato ito bilang gawa sa dalawang mga patong (layers):[6] ang isang unang edisyon mula sa panahon ni Josias (huli nang ika-7 siglo BCE) na nagtataguyod ng mga repormang relihiyoso at ang pangangailangan ng paghingi ng tawad at ang isang ikalawa at huling edisyon mula sa gitna nang ika-6 siglo BCE.[7] Ang karagdagang mga lebel ng pagbabago (editing) ay iminungkahi kabilang ang isang huli nang ika-8 siglo BCE edisyon na nagtutuo kay Hezekias ng Judah bilang modelo ng pagiging hari. Isang mas naunang ika-8 siglong bersiyon na may parehong mensahe ngunit tumutukoy kay Jehu ng Israel bilang kanais nais na hari. At isa pang mas naunang bersiyon na nagtataguyod sa Bahay ni David bilang susi ng pambansang kabutihan.[8]

Mga pinagkunan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang mga editor/may akda ng kasaysayang Deuteronomistiko ay nagbabanggit ng ilang mga pinagkunan kabilang halimbawa ang "Aklat ng mga Gawa ni Solomon" at kadalasan ang "Annals ng mga Hari ng Judah" at isang hiwalay na aklat na "Mga Kronika ng mga Hari ng Israel". Ang persperktibong Deuteronomiko (ng aklat ng Deuteronomio) ay partikular na ebidente sa mga panalangin at pananalumpating sinalita ng mga mahahalagang pigura pangunahing puntong transisyonn: ang pananalumpati ni Solomon sa dedikasyon ng Templo ay isang mahalagang halimbawa.[7] Ang mga pinagkunan ay mabigat na binago (edited) upang matagpo ang agendang Deuteronomistiko,[9] ngunit sa pinakamalawak na kahulugan ang mga ito ay lumilitaw na:

  • Para sa natitirang paghhari ni Solomon, ang mga pangalan ng teksto ay nagpapapangalan ng pinagkunan nito bilang "ang aklat ng mga gawa ni Solomon" ngunit ang ang ibang pinagkunan ay ginamit ang ang karamihan ay idinagdag ng isang redactor.
  • Israel at Judah: Ang dalawang mga "kronika" (chronicles) ng Israel at Judah ay nagbibigay ng balangkas kronolohikal ngunit ang ilang mga detalye maliban sa paghalili ng mga hari at ang salaysay kung paanong ang Templo ni Solomon ay patuloy na nahubaran bilang tunay na relihiyon ay nasira. Ang ikatlong pinagkunan o hanay ng mga pinagkunan ay mga siklo ng mga kuwento ng iba't ibang mga propeta (Elijah at Elisha, Isaiah, Ahijah at Micaiah) at ilan pang mas maliit na iba ibang mga tradisyon. Ang konklusyon ng aklat (2 Kings 25:18-21, 27–30) ay malamang na nakabatay sa personal na kaalaman.
  • Ang ilang mga seksiyon ay mga karagdagang editoryal na hindi batay sa mga pinagkunan. Ang mga ito ay kinabibilangan ng iba't ibang mga hula ng pagbagsak ng hilagang kaharian na katumbas na hula sa pagbagsak ng Judah kasunod ng paghahari ni Manasseh, ang ekstensiyon ng mga reporma ni Josias ayon sa mga batas ng Deuteronomio at ang pagbabago ng salaysay mula sa kay Jeremias tungkol sa mga huling araw ng Judah.[10]

Mga katangiang tekstuwal[baguhin | baguhin ang batayan]

Kronolohiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang pamantayang tekstong Hebreo ng Mga Hari ay nagtatanghal ng isang imposibleng kronolohiya.[11] Ang isang halimbawa nito ang pag-akyat ni Omri sa trono ng Israel sa ika-31 taon ni Asa ng Judah (1 Hari 16:23) ay hindi maaaring sumunod sa kanyang predesesor na si Zimri sa ika-27 taon ni Asa (1 Hari 16:15).[12] Tinuwid ng tekstong Griyego ang mga imposibilidad na ito ngunit hindi ito tila kumakatawan sa isang mas naunang bersiyon.[13] Ang ilang mga aklat ay nag-angkin na lumutas ng mga kahirapang ito ngunit ang mga resulta ay iba, minsan malawak at wala ang nagkamit ng estadong kasunduan sa mga ito.[14]

Mga Hari at 2 Kronika[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang 2 Kronika ay sumasakop sa halos parehong yugto ng panahon tulad ng sa Mga Hari ngunit isinawalang bahala nito ng halos buo ng Kaharian ng Israel (Samaria). Si David ay binigyan ng isang malaking tungkulin sa pagpaplano ng Templo, si Hezekias ay binigyan ng isang mas malawak na programa ng reporma at si Manasseh ay binigyan ng oportunidad na magsisi sa kanyang mga kasalanan upang ipaliwanag kanyang mahabang paghahari.[15] Karaniwang ipinagpapalagay na ang may-akda ng mga Kronika ay gugamit sa Mga Hari bilang pinagkunan at muling isinulat ang kasaysayan nito kung paano niya ito ninais.[15]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Fretheim, p.1
  2. 2.0 2.1 Sweeney, p.1
  3. Tomes, p.246
  4. Spieckermann, p.337
  5. Perdue, xxvii
  6. Wilson, p.85
  7. 7.0 7.1 Fretheim, p.7
  8. Sweeney, p.4
  9. Van Seters, p.307
  10. McKenzie, pp.281-284
  11. Nelson, p.43
  12. Nelson, pp.43-44
  13. Nelson, p.44
  14. Moore & Kelle, pp.269-271
  15. 15.0 15.1 Sutherland, p.247

Bibliograpiya[baguhin | baguhin ang batayan]

===Mga Komentaryo sa Mga Hari===berth L.

General[baguhin | baguhin ang batayan]