Pumunta sa nilalaman

Arachnida

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Arachnid)

Arachnida
"Arachnida" mula sa Kunstformen der Natur ni Ernst Haeckel, 1904
Klasipikasyong pang-agham e
Dominyo: Eukaryota
Kaharian: Animalia
Kalapian: Arthropoda
Subpilo: Chelicerata
Hati: Arachnida
Cuvier, 1812
Ekstant na mga orden

Acarina
Amblypygi
Araneae
Opiliones
Palpigradi
Pseudoscorpionida
Ricinulei
Schizomida
Scorpiones
Solifugae
Uropygi

Ang mga Araknid ay isang klase (Arachnida) ng mga may dugtong na paa invertebrate na hayop na nasa sublaping Chelicerata. Ang lahat ng mga araknid ay may walong paa ngunit may ibang uri na ginagamit ang unang pares ng paa bilang pandadam at mga larva ng harvest mite na mayroon lamang na 3 pares ng paa. Ang terminong araknid ay mula sa Griyegong salita na άράχνη o arachne, na ibig sabihin ay gagamba.[1] Ito rin ay tumutukoy sa mitolohikal na karakter na si Arachne.

Ang mga araknid ay kalimitang mga terestriyal na mga arthropod, ngunit makikita rin sa mga tubig tabang malibang na lang sa sonang pelagik, at sa lahat ng mga kapaligirang marino. Mayroong silang higit sa 100,000 napangalanang uri, kabilang na ang mga gagamba, alakdan, opiliones, tick, at mite.[2]

Kalimitang masasabi na ang mga araknid ay may apat na pares ng mga paa at mahihiwalay ang mga araknid as mga kulisap dahil dito (ang mga kulisap ay mayroon lamang tatlong pares ng mga paa). Ang mga araknid ay kalimitang may 6 na pares ng mga appendage — dalawang pares ay ginagamit sa pagkain, paddepensa at persepsiyong pandamdam. Ang unang pares ng appendage, ang chelicerae, ay ginagamit sa pagkain at pagdepensa. Ang sumusunod na appendage, ang pedipalps, ay ginagamit sa pagkain, lokomosyon at reproduksiyon. Sa Solifugae, ang mga palpi ay parang mga paa at nagmumukhang sampu ang mga paa ng Solifugae. Ang mga larva ng mga mite (at Ricinulei) ay may anim na paa lamang; ang ika-4 na pares ay lumalabas sa moult nito bilang nimpa. Subalit may mga matatandang mga mite na mayroon lamang anim o minsan pa ay apat na mga paa.[3]

Maiiba pa ang mga Araknid sa kawalan nila ng antennae at mga pakpak. Ang kanilang mga katawan ay nakaayos sa dalawang tagma na tinatawag na prosoma, o cephalothorax, at ang opisthosoma, o abdomen. Ang cephalothorax (prosoma) ay mula sa pagsasama ng cephalon (ulo) at ng thorax. Ang abdomen (opisthosoma) ay mahihiwalay pa sa preabdomen at postabdomen sa maraming taksa, subalit may mga orden na gaya ng Acari kung saan magkasama ang mga abdominal na seksiyon.[4]

May ilang mahahalagang mga modipikasyon na mahalaga as pamumuhay ng mga araknid. Isa na dito ang panloob na repiratoryong balat sa anyo ng trachea, o modipikasyon ng book gill bilang book lung, isang panloob na serye ng mga baskular na lamellae na ginagamit sa pagpapalit ng gas sa hangin. Ang iba pang mga adapsiyon ay ang mga appendage na minodipika upang sa mas mainam na lokomosyon sa lupa, panloob na pertilisasyon, espesyal na organong pandamdam, at mas mainam na pagpapanatili ng tubig gamit ang mga mainam na ekskretori na istruktura, (glandulang koksal at Malpighian tubules) at mga mapagkit na patong na nakabalot sa cuticle.

Ang mga araknid ay kalimitang kumakain ng karne. Kumakain sila ng mga nauna nang natunaw na mga katawan ng mga kulisap at mga maliliit na hayop. Tanging ang mga harvestmen at mga mite, gaya ng house dust mite, na may makikitang pagkain ng solidong partikulo at ang pagbilad sa mga panloob na parasitiko [5], subalit hindi katakatataka sa mga gagamba na kainin ang sarili nilang sapot. Maraming grupo ay makamandag. Naglalabas sila ng mga kamandag gamit ang mga espesyal na mga glandula upang pumatay ng prey o kaya kalaban. Maraming mite ang mga parasitiko at kalimitang nagdadala ng sakit. Ang mga araknid ay kalimitang nangingitlog subalit may mga alakdan na nangaganak ng buhay na supling.

Totoong ang lahat ng mga arthropod ay may mga exoskeleton at may panloob na estraktura ng parang cartilage na tissue na tinatawag na endosternite. Maraming grupo ng masel ang nakadikit dito. Ang kalsipikasyon ng endosternite ay makikita sa ilang mga Opiliones.[6]

Mayroong dalawang uri ng mga mata ang mga Araknid, ang lateral at median na ocelli. Ang lateral na ocelli nag-evolve mula sa mga matang kompawnd at mayroong tapetum na tumtulong sa paghuli ng mga photon. Ang median na ocelli ay nagmula sa isang tuping transverse fold ng ectoderm. Ang mga ninuno ng mga makabagong araknid ay maaring may parehong uri ng mata ngunit ang mga makabago ay mayroong isa lamang sa dalawang uri.[5]

  1. "arachnid". Oxford English Dictionary (ika-2nd edition (na) edisyon). 1989. {{cite ensiklopedya}}: |edition= has extra text (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Cracraft, Joel & Donoghue, Michael, pat. (2004). Assembling the Tree of Life. Oxford University Press, USA. p. 297.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga patnugot (link)
  3. Schmidt 1993: 58
  4. Ruppert, E., Fox, R., & Barnes, R. (2007) Invertebrate Zoology: A functional evolutionary approach. 7th Edition. Thomson Learning ISBN 0-03-025982-7
  5. 5.0 5.1 Pinto-da-Rocha, R., Machado, G. & Giribet, G. (2007) Harvestmen — The Biology of Opiliones. Harvard University Press ISBN 0-674-02343-9
  6. [1]