Ernst Haeckel
Ernst Haeckel | |
---|---|
Kapanganakan | 16 Pebrero 1834 |
Kamatayan | 9 Agosto 1919 | (edad 85)
Nasyonalidad | German |
Karera sa agham | |
Author abbrev. (soolohiya) | Haeckel |
Si Ernst Heinrich Philipp August Haeckel (Pebrero 16, 1834 – Agosto 9, 1919),[1] ay isang biologong Aleman, naturalista, pilosopo, doktor na medikal, propesor at artist na nakatuklas, naglarawan at nagpangalan ng mga libo libong species at nagmapa ng isang punong henealohikal na naguugnay sa lahat ng mga anyo ng buhay. Kanya ring inimbento ang maraming mga salita sa biyolohiya kabilang ang anthropogeny, ecology, phylum, phylogeny, stem cell at Protista. Kanya ring itinaguyod at pinasikat ang mga akda ni Charles Darwin sa Alemanya. Kanyang binuo ang kontrobersiyal na teoriyang rekapitulasyon ("ontogeny recapitulates phylogeny") na ang pag-unlad na biyolohika ng indibidwal na organismo o ontoheniya ay tumutugma at nagbubuod sa pag-unlad na ebolusyonaryo nito o piloheniya.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Ernst Haeckel — Britannica Concise" (biography) Encyclopædia Britannica Concise, 2006, Concise. Britannica.com webpage: CBritannica-Haeckel Naka-arkibo 2006-11-11 sa Wayback Machine..