Pumunta sa nilalaman

Arahan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Arahan
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
Kalapian:
Hati:
Orden:
Pamilya:
Sari:
Espesye:
P. tonggol
Pangalang binomial
Plicofollis tonggol Bleeker, (1846)

Ang arahan o Plicofollis tonggol (Ingles: roughback sea catfish)[1] ay isang uri ng mga kanduling pandagat.[2][3] Mahalaga ito sa hanap-buhay at kalakalan ng pangingisda. Bilang pagkain ng tao, pinatutuyo ang mga ito sa pamamagitan ng pagbibilad at paglalagay ng asin.

Pagkakapangkat-pangkat

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kabilang ang Plicofollis tonggol (Bleeker, 1846) sa pamilyang Ariidae), orden ng mga Siluriformes, klaseng Actinopterygii.[3]

Umaabot ang laki nito hanggang sa 40 sentimetro. Namumuhay ang mga ito sa tubig-alat na nasa mga tropikal na bahagi ng mundo. Kumakain sila ng mga imbertebrado. Mayroong itong matutulis na mga palikpik sa likod at dibdib, nakakatusok kung hahawakan.[3]

Namumuhay ang mga ito sa mga katubigang pandalampasigan ng Pakistan, Malaysia, Pilipinas at Indonesia.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Plicofollis tonggol." Fishbase.sinica.edu[patay na link]
  2. English, Leo James. Diksyunaryong Tagalog-Ingles (Tagalog-English Dictionary), Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971910550X
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 ""Plicofollis tonggol." Fishbase.sinica.edu.tw". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-05-26. Nakuha noong 2008-02-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.