Aralin na panghukbong panghimpapawid
Ang aralin na panghukbong panghimpapawid ay isang uri ng pag-aaral na maaaring isang kurikulum na nagsisilbi bilang unang hakbang sa edukasyon ng opisyal na prupesyunal. Nagbibigay ito ng matatag na pagkaunawa sa saligang doktrinang pang-aeroespasyo at mga misyon, organisasyon, at operasyon ng hukbong panghimpapawid. Maaari itong magkaroon ng dalawang baitang: ang isang pangkalahatang kursong militar at ang isa pa ay ang kurso na pangprupesyunal na opsiyal. Ang kursong militar na pangkalahatan ay maaaring walang obligasyong pangmilitar sapagkat tumutuon lamang ito sa sari-saring mga organisasyon at mga misyon na panghukbong panghimpapawid, pati na sa kasaysayan ng hukbong panghimpapawid at mga kasanayang pangkomunikasyon; na ang unang mga taon ay nagbibigay ng diin sa pagsangkot ng mag-aaral sa pagkatuto at pagsasagawa ng mga teknik na pampamamahala at pamumuno. Habang ang kurso na pang mas matatagal nang mga estudyante ay tumutuon sa mga bagay na pampolitika, pang-ekonomiya, at panlimutan na may kaugnayan sa paglikha at pagsasakatuparan ng patakaran sa kaligtasan at katiwasayang pambansa.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ DEPARTMENT OF AIR FORCE STUDIES (AFROTC) Naka-arkibo 2012-05-10 sa Wayback Machine., University of South Alabama.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Militar at Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.