Araling Seltiko
Ang araling Seltiko o araling Irlandes (Ingles: Celtic studies) ay isang disiplinang pang-akademiya na nakatuon sa pag-aaral ng anumang pangkulturang resulta na may kaugnayan sa mga taong Seltiko. Sumasaklaw ito mula sa lingguwistika, panitikan, kasaysayang pansining, arkeolohiya, at kasaysayan, na ang pagtutuon ay nasa pag-aaral ng samu't saring mga wikang Seltiko, umiiral man o hindi na.[1] Ang pangunahing mga pook na pinagtutuunan ay ang anim na mga wikang Seltiko na ginagamit sa kasalukuyan: wikang Irlandes, wikang Welsh, Gaelikong Eskoses (Gaeliko ng Eskosya), wikang Manx, wikang Korniko (wika sa Cornwall), at wikang Breton.
Bilang isang paksa na pampamantasan, itinuturo ito sa ilang bilang ng mga pamantasan sa buong muno, na ang karamihan ay nasa Republika ng Irlanda, sa Nagkakaisang Kaharian, sa Pransiya; subalit mayroon din sa Mga Nagkakaisang Estado, Canada, Australia, Alemanya, Polonya, Austria at sa Nederlandiya.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Wiley, ""Celtic studies, early history of the field" (2006).
Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon at Irlanda ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.