Araling pandaigdigan
Ang pag-aaral ng globalisasyon ay pang-akademikong pag-aaral ng pampolitika, ekonomiko, pang-ekolohiya, at pang-kalinangan na mga ugnayan at proseso na nakaapekto sa kalagayan ng mundo. Ang pag-aaral ng globalisasyon ay may kaugnayan sa iba't ibang larangan gaya ng ugnayang pang-merkado, galaw ng mga kalakal, pandaigdigang komunikasyon at pagkonsumo, mga takas (refugee), mga migrante, at ang daloy ng paggalaw ng mga tao sa iba't ibang panig ng mundo. Sinasaklaw ng kurikulum ng pag-aaral ng globalisasyon ang mga transnasyunal at lokal na usapin upang isalarawan ang mas malawak na katanungan ukol sa global na pagbabago. Maaring nakapaloob sa mga kurso sa ilalim ng global na pag-aaral ang pananaliksik at fieldwork ukol sa partikular na larangan batay sa interes.
Maaring ring saklaw ng pag-aaral ng globalisasyon ang internasyunal na pag-aaral o internasyunal na edukasyon. Isang aspeto ng pag-aaral ng globalisasyon ang internasyunal na pag-aaral na nakatuon sa ugnayan sa pagitan ng mga bansa. Kaugnay nito, ang internasyunal na edukasyon ay nakatugon sa pagbuo ng mga institusyon ng edukasyon batay sa internasyunal na pamantayan o pamantayan dulot ng pagkakaiba o pagkakatulad ng mga bansa. Sa parehong konteksto, nalilimitahan ng konsepto ng "nasyunal" ang kahulugan ang parehong larangan ng pag-aaral. Sa kabilang banda, mas malawak ang sakop ng pag-aaral ng globalisasyon, mula sa pandaigdig hanggang sa lokal.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pagsusulong ng pag-aaral ng globalisasyon sa sekondarya at tersiyarong antas ng edukasyon ay bunga ng globalisasyon at ng resulta nito sa internasyunal na pamayanan. Sinasabing ang globalisasyon ay nagmula noong ika-15 siglo nang ang mga bansa sa Europa ay pinagsimulan ang kolonisasyon upang pagtibayin ang kalakalan at makakuha ng higit pang kapangyarihan at estado. Ngunit sa kamakailang huling dekada lamang nagsimula ang hindi inaasahang pag-unlad ng teknolohiyang pangkomunikasyon at kompyuterisasyon na nakaapekto sa pagsulong at pagpapabilis ng proseso ng globalisasyon. Bilang resulta ng patuloy na pagbabago ng pandaigdig na komunidad, nahinuha ng mga institusyon ng edukasyon ang pangangailangan na ibilang ang global na pag-aaral sa kurikulum ng sekondaryang antas ng edukasyon (pagpapaloob ng pag-aaral ng globalisasyon sa mga kasalukuyang asignatura), at ang pabuo ng pag-aaral ng globalisasyon bilang kurso para sa tersiyaryong antas ng pag-aaral. Maraming benepisyo ang paglalangkap ng pandaigdig na kaalaman sa edukasyon, tulad ng malalim na pag-unawa sa iba't ibang kultura, pag-unawa sa kahulgan ng pandaidig na komunidad, at ang abilidad upang maisagawa ang kritikal na pagsusuri sa mga usaping pang-internasyunal.