Pumunta sa nilalaman

Araling Islamiko

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Araling pang-Islam)

Ang araling Islamiko ay isang kataga na may dalawang kahulugan. Sa isa, ang araling pang-Islam ay ang pananaliksik o pag-alam sa anumang paksa na, sa isang paraan, na sumasang-ayon sa kaalamang Islamiko. Kabilang dito ang lahat ng mga anyo ng pangtradisyong kaisipan na panrelihiyon, katulad ng Kalam (ang teolohiyang pang-Islam at ang Fiqh o batas na pang-Islam). Tinitingnan din nito ang mga pook ng pag-aaral na tumatanaw sa mga paksang sekular na mula sa pang-unawang pang-Islam. Halimbawa na ang agham na pang-Islam at ang ekonomiks na Islamiko.

Sa isa pang kahulugan, ang araling Islamiko o pang-Islam ay ang pag-aaral ng kasaysayan ng Islam at pilosopiyang pang-Islam. Ang mga akademista na nagmula sa maraming iba't ibang mga disiplina (mga pook ng pag-aaral) ang nag-aaral at nagsasalu-salo ng kaalaman hinggil sa mga lipunan ng mga Muslim sa kasalukuyan at sa nakaraang mga panahon. Ilan sa mga dalubhasang hindi Muslim ang nakapagsulat ng mga aklat at iba pang mga akda na binabasa ng maraming mga Muslim. Bago ang pagsapit ng 1980, ang mga dalubhasang ito na hindi Muslim ay tinatawag na mga "Islamista", na nakikilala sa Ingles bilang mga "Islamicist". Ang larangan ng pag-aaral ay kadalasang dating nagiging kabahagi ng araling Oriental. Sa kasalukuyan, madalas na itong binabanggit bilang kabahagi ng araling pang-Asya. Maraming mga pamantasan ang mayroong mga degri hinggil sa paksa ng araling Islamiko.


EdukasyonIslam Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon at Islam ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.