Araling pang-orkestra
Ang araling orkestral o programa sa araling pang-orkestra (Ingles: orchestral studies, orchestral performance program) ay ang pag-aaral na nag-aalok ng kurso sa pagganap sa isang orkestra. Maaari itong maging degri ng pagkabatsilerato[1] o pagkamaster[2] sa larangan ng pagtugtog sa orkestra. Sa pangkalahatan, nilalayon ng araling ito ang makapagsanay at makapaglikha ng mga musikerong bihasa sa sining ng musika bilang paghahanda sa repertoryong pang-orkestra para sa mga karerang katulad ng pagtugtog na pangsimponiya. Matututunan ng mga mag-aaral sa aralin o programang ito ang kung paano makilahok sa pagganap sa pagtugtog at makakatanggap din sila ng edukasyon hinggil sa mga aspetong hindi pangmusika hinggil sa makabagong orkestra: katulad ng pamamahala ng orkestra, masining na pagpaplano, paghikayat sa pakikiisa ng pamayanan, at pagpapaunlad ng mga tagapagtangkilik na katulad ng mga manonood at tagapakinig. Maaaring ihanda ang mga mag-aaral na musikero sa pagganap at pagtugtog sa orkestrang tsamber o pambulwagan na hindi pinamumunuan ng isang konduktor ng musika.[2]
Maaari ring makatanggap ang mga mag-aaral ng kurso na may pagtuturo at pagsasanay para sa repertoryong pang-orkestra na kinasasangkutan ng mga teknik na pang-orkestra, pang-ensembol (ensemble), at sa pagganap. Bukod sa makabagong orkestra, maaari ring magkaroon ng karanasan ang mga estudyante sa pagtugtog at pagganap na mayroong mga estilong pangpanahong lumipas at pangkasalukuyan, na pangrepertoryo at pangsimponiya, na kinasasangkutan ng mga halimbawa ng mga kinatawang akdang tugtugin. Maaari itong kabilangan din ng sesyon ng pagtugtog nang solo o kaya panggrupo o “pangpamilya”.[2]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Master´s degree orchestral studies (harp) Naka-arkibo 2016-03-09 sa Wayback Machine., Hochschule für Musik und Theater Rostock.
- ↑ 2.0 2.1 2.2 Orchestral Performance Program, Manhattan School of Music, msmnyc.edu
Ang lathalaing ito na tungkol sa Musika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.