Arkitektura

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Architecture)
Jump to navigation Jump to search
Ang Parthenon sa tuktok ng Acropolis, Athens, Gresya bilang isang halimbawa ng arkitektura.

Ang arkitektura ay ang pamamaraan at produkto ng pagpaplano, pagdidisenyo, at pagtatayo ng mga gusali o ng ibang mga pisikal na istraktura. Ang mga gawaing pang-arkitektura, sa pisikal na kaanyuan ng mga gusali, ay madalas mapapansin bilang mga simbolo ng kultura at bilang sining. Ang mga sibilisasyon sa kasaysayan ay madalas nakikilala sa kanilang mga pambihirang arkitektura na nananatili hanggang sa kasalukuyan.

Ang salitang "arkitektura" ay maaaring maging isang terminong pangkalahatan na naglalarawan ng mga gusali at iba pang istrukturang pisikal. Ito ay ang sining at agham ng pagdidisenyo ng mga gusali at (ibang) istrukturang nonbuilding. ito ay ang estilo ng ng pagdidisenyo at paraan ng pagtatayo ng mga gusali at iba pang istrukturang pisikal. Ito ay ang kaalaman ng sining, agham at teknolohiya, at sangkatauhan.

Ang arkitektura ay may kinalaman sa pagplano, pagdisenyo, at pagtayo ng porma, espasyo, at kapaligiran upang maipakita ang pagganan o functional, teknikal, sosyal, pangkapaligiran at astetikong mga konsiderasyon. Kinakailangan ang malikhaing manipulasyon at koordinasyon ng mga materyales at teknolohiya, at ng ilaw at anino. Madalas, kailangang masolusyonan ang hindi pagkakatugma ng mga pamantayan. Sinasaklaw din ng pagsasanay ng arkitektura ang praktikong aspeto ng pagplano ng mga gusali at istruktura, maging ang pag-tatakda, pag-tantya ng gagastusin at ang mga taong kasama sa proyekto.

Kahulugan at etimolohiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang aralin ng arkitektura ay maaring nangangahulugang:

  • Karaniwang tawag sa paglalarawan ng mga gusali at iba pang pisikal na istruktura.
  • Ang agham at sining ng pagdidisenyo ng mga gusali at ilan pa sa ibang mga istruktura.
  • Istilo ng pagdidisenyo at paraan ng pagtatayo ng mga gusalita at iba pang pisikal na istruktura.
  • Isang naguugnay na anyo o istruktura.
  • Ang kaalaman sa sining, agham, teknolohiya, at sangkatauhan.
  • Ang pagdidisenyo ng isang arkitekto, mula sa antas na macro hanggang sa micro (detalye sa konstruksyon at mga kagamitan sa bahay). Ang pagsasanay ng isang arkitekto, kung saan ang arkitektura ay ang pagbibigay ng propesyunal na serbisyo kaugnay sa disenyo at konstruksyon ng mga gusali, o ng mga kapaligirang gawa ng tao.

Ayon kay Vitruvius, ang isang magandang istraktura ay dapat umuugnay sa tatlong prinsipyo na firmitas, utilitas, venustas, na mas kilala sa orihinal na wika – katatagan, kasangkapan, at galak. Katumbas nito sa kasalukuyang wika ay ang:

  • Tibay – ang isang istraktura ay dapat nakakatayo nang matatag at manatili sa mabuting kalagayan.
  • Kagamitan – dapat ay naangkop ito sa kanyang layuning gamit.
  • Kagandahan – dapat ay kasiya-siyang tignan.

Mga panlabas na link[baguhin | baguhin ang batayan]


Arkitektura Ang lathalaing ito na tungkol sa Arkitektura ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.