Pambansang Libingan ng Arlington
Ang Pambansang Libingan ng Arlington (Ingles: Arlington National Cemetery), sa Arlington, Virginia ay isang sementeryong pangmilitar sa Estados Unidos, na itinatag noong panahon ng Digmaang Sibil sa Amerika sa lote ng Bahay Arlington, dating pag-aaring lupain ng asawa ni Robert E. Lee na si Mary Anna Custis Lee, isang kaapu-apuhan ni Martha Washington. Tuwirang nakalagak ang libingan ng mga patay na ito sa may kahabaan ng Ilog ng Potomac mula sa Washington, D.C. at malapit sa Pentagon. Pinaglilingkuran ito ng estasyon ng tren sa Sementeryo ng Arlington na nasa Bughaw na Linya ng sistema ng Washington Metro.
Mahigit sa 300,000 mga katao ang nakalibing sa pook na sumasakop sa 624 na mga hektarya (2.53 km2). Nakahimlay sa sementeryong ito ang lahat ng nasawing mga beterano at militar mula sa bawat isang mga digmaan ng bansa, mula sa Amerikanong Digmaang Sibil magpahanggang sa mga gawaing militar sa Apganistan at sa Irak. Pagkaraan ng 1900, pinaglipatan at pinaglibingan na rin ito ng mga patay mula sa mga digmaang naganap bago mangyari ang digmaang sibil sa Amerika.
Kapwa pinangangasiwaan ng Kagawaran ng Hukbong Katihan ng Estados Unidos ang Pambansang Libingan ng Arlington at ang Tahanang Pambansang Libingan ng mga Kawal at Piloto ng Estados Unidos. Samantala, pinangangasiwaan naman ng Kagawaran ng mga Ugnayang Pangbeterano ng Estados Unidos o kaya ng Palingkuran ng Pambansang Liwasan ang iba pang mga pambansang mga sementeryo. Bilang parangal para kay Robert E. Lee, pinangangasiwaan ng Palingkuran ng Pambansang Liwasan ang Bahay Arlington (Mansyong Custis-Lee).
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.