Armagedon
Ang Armageddon o Armagedon ay (Griyego: Ἁρμαγεδών Harmagedōn) isang katagang ginamit lamang sa Aklat ng Pahayag ng Bagong Tipan na tumutukoy sa lugar kung saan titipunin ng mga espiritong palaka ng Halimaw(Nero), Dragon(Satanas), bulaang propeta(Dakilang Saserdote ng Kultong Imperyal) at mga Hari ng Silangan mula sa Ilog Eufrates (Imperyong Parthian) ang mga hari ng lupa sa isang digmaan na magwawakas ng pagkawasak ng Dakilang Babilonya(Imperyong Romano (Pahayag 16:12-19).
Ang Harmagedon ay transliterasyon ng Hebreong har məgiddô (הר מגידו). Har na nangangahulugang "bundok" na pinaikling anyo ng harar. Ang magiddo ay tumtukoy sa Tel Megiddo na ginawa ni Haring Ahab sa Kapatagan ng Jezreel sa Israel. Ang ilang iskolar ay nagmumungkahing ang Armageddon ay isang simbolikong pangalan para sa lungsod ng Roma ng Imperyong Romano na wumasak sa Herusalem at Ikalawang Templo sa Herusalem noong 70 CE. Inalalarawan sa Aklat ng Pahayag ang pagkawasak ng Dakilang Babilonya na simbolikong pangalan ng Imperyong Romano upang kaparusahan rito ng Diyos.(Pahayag 19-20) Pagkatakapos ng pagkawasak ng Imperyong Romano, ang isang bagong pisikal Herusalem na wala nang templo ay lilitaw na titirhan ng mga Kristiyano.(Pahayag 21)