Pumunta sa nilalaman

Arne Jacobsen

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Arne Emil Jacobsen
Kapanganakan11 Pebrero 1902(1902-02-11)
Kamatayan24 Marso 1971(1971-03-24) (edad 69)
Copenhagen, Denmark
NasyonalidadDanes
ParangalMedalya ng C. F. Hansen (1955)
Mga gusaliTeatrong Bellevue
Otel ng SAS Royal
Bulwagang Panglungsod ng Aarhus
Kolehiyo ng St. Catherine
Danmarks Nationalbank

Arne Emil Jacobsen, Hon. FAIA (11 Pebrero 1902 – 24 Marso 1971) ay isang arkitekto nagdidisenyong Danes. Nakilala siya sa kanyang ambag sa architectural functionalism, gayon din para sa kanyang tagumpay sa paggawa ng mga payak ngunit epektibong nga disenyo ng upuan.[1]

Kabataan at edukasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Arne Jacobsen ay isinilang sa Copenhagen noong Pebrero 11, 1902. Ang kanyang ama na si Johan ay isang negosyante na nagtitinda ng safety pins at snap fastener. Ang kanyang ina na si Pauline ay isang nagtratrabaho sa bangko na dating mahilig magpinta ng mga bulaklak. Ninais niya noon na maging isang pintor ngunit tutol ang kanyang ama at pinayuhan siyang pumasok sa matatag na propesyon ng arkitektura. Pagkatapos niyang mamasukan muna bilang isang mason, nag-aral siya sa paaralang Royal Danish Academy of Fine Arts sa programang arkitektura mula 1924 hanggang 1927, bilang estudyante nina Arkitekto Kay Fisker at Kaj Gottlob, dalawang sikat na arkitekto at tanyag na tagapagdisenyo. 

Estudyante pa noong 1925 si Jacobsen nung sumali siya sa Paris Art Deco Fair, Exposition Internationale des Arts Decoratifs et Industries Modernes, kung saan niya napanalunan ang pangalawang parangal para sa isang disenyo ng upuan. Malaki ang naging epekto sa kanya ng disenyo ni Le Corbusier sa L'Espirit Nouveau pavilion. Bago siyang nakapagtapos, pumunta rin siya sa Germany kung saan niya natagpuan ang rasyonalistang arkitektura nina Mies van der Rohe at Walter Gropius. Naimpluwensiyhan ng kanilang trabaho ang mga nauna niyang disenyo tulad ng kanyang pangwakas na proyekto sa paaralan. Ito ay isang galerya ng sining, at napanalunan niya ang unang parangal dahil dito. Noong nakatapos siya sa pag-aaral, nagtrabaho siya para kay Arkitekto Poul Holsoe. 

Noong 1929, nanalo si Arne Jacobsen kasama si Flemming Lassen sa isang kumpetisyon ng Danish Architect’s Association. Nanalo ang kanilang disenyo para sa isang House of the Future (Bahay ng Hinaharap), at ito ay ipinatayo sa sumunod na eksibisyon sa Forum sa Copenhagen. Paikot ang anyo nitong bahay na yari sa salamin at konkreto. Ito'y may patag na bubong, isang pribadong garahe, isang paradahan ng bapor, at pababaan ng elikoptero. Ang mga bintana ng bahay ay nabubuksan sa pamamagitan ng pagbaba tulad lamang ng mga bintana ng kotse, at may tubo kung saan lumulusot ang mga sulat papasok ng bahay. Bukod doon, puno ng handang pagkain ang kusina nitong bahay.

May nakaparadang Dodge Cabriolet Coupé sa garahe, isang Chris Craft sa paradahan ng bapor, at autogyro sa bubong. Madaling nakilala bilang isang sukdulang modernong arkitekto si Jacobsen.   

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Arne Jacobsen. Mula sa Scandinavian Design. Hinango noong 24 Enero 2010.