Arnold Zamora
Arnold Zamora | |
---|---|
Kabatiran | |
Kapanganakan | 10 Pebrero 1961 |
Pinagmulan | Lungsod ng Tagbilaran, Bohol, Pilipinas |
Genre | pop, jazz, relihiyoso |
Trabaho | musikero, manganganta, kompositor, taga-areglo, konduktor, manunulat ng awitin |
Taong aktibo | 1998–kasalukuyan |
Label | Franz Music Production DartPro, LLC |
Si Arnold Escobilla Zamora (sinilang 10 Pebrero 1961) ay isang Pilipinong musikero na kilala sa industriya ng pambansang larangan ng musila bilang manganganta, kompositor, tagapag-areglo ng musika at konduktor. Bilang isang seminarista sa seminaryong sentral ng Pamantasan ng Santo Tomas, itinatag niya ang Korong Psalterion. Sa Unibersidad ng Pilipinas, sumapi siya sa Philippine Madrigal Singers (MADZ), at tagapagtatag din ng Chorus Paulinus.[1] Siya rin ang naglunsad at direktor ng musika ng Mga Paring Manganganta ng Tagbilaran.[2]
Kumumpas din si Zamora bilang konduktor ng Philippine Consulate Choir of the Philippine Consulate sa San Francisco, California,[3] sa Filipino Priests Concert sa San Francisco, California, at FilAmusika, isang grupo ng mga Pilipino at Amerikanong kabataan na binuo ni Zamora. Siya ang musikal na direktor ng Parokyang Star of the Sea at kumukundukta rin para sa Korong Stella Maris ng nasabing parokya.[4]
Sa kasalukuyan, nagtatrabaho si Zamora para sa Arsodiyosesis ng San Francisco.[5]
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ ChorusPaulinus Naka-arkibo 2007-09-28 sa Wayback Machine., WeddingPals.com
- ↑ Singing Priests of Tagbilaran www.soundclick.com Nakuha 25 Enero, 2007.
- ↑ SF Consulate Commemorates Dr. Jose Rizal's 109th Death Anniversary, PhilippineConsulate-SF.org
- ↑ Websayt ng Star of the Sea Naka-arkibo 2006-12-31 sa Wayback Machine. Arsodiyosesis ng San Francisco, nakuha 8 Pebrero, 2007.
- ↑ Office of Religious Education & Youth Ministry Naka-arkibo 2006-08-27 sa Wayback Machine. Mga Parokya ng San Francisco