Philippine Madrigal Singers
Ang University of the Philippines Madrigal Singers (UPMS), kilala rin bilang Philippine Madrigal Singers o Madz, ay isa sa mga tampok na pangkat pangsining na nakabase sa University of the Philippines, Diliman. Ang kasalukuyang direktor nito ay asi Mark Anthony Carpio. Sila ang pinakaunang koro sa buong daigdig na nagwagi ng dalawang ulit sa European Grand Prix for Choral Singing (noong 1997 at 2007)[1]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Madz ay isa sa mga koro sa Asya na nagtamo ng maraming gantimpala sa mga malalaking patiimpalak para sa koro sa loob ng ilang taon. Dahil sa kanilang mahusay na paglahok sa mga koponang ito, sila ay itinuturing na isa sa mga pinakamahusay na koro sa buong daigdig.
Sila ay itinatag ni Propesora Andrea Veneracion, bilang University of the Philippines Madrigal Singers noong 1963. (Si Prop. Veneracion ay itinanghal na Pambansang Alagad ng Sining para sa Musika noong 1999.) Ang halos lahat ng mga kasapi ng pangkat ay binubuo ng mga mag-aaral, guro at mga nagsipagtapos sa iba-ibang mga sangay na kolehiyo ng University of the Philippines. Ang kasalukuyang direktor ng grupo ay si Mark Anthony Carpio.
Mga Gantimpala
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Spittal, Austria
- Arezzo at Gorizia sa Italia
- Neuchâtel, Suwisa
- Debrecen, Hungary
- Varna, Bulgaria
- Tolosa, Espanya
- Marktoberdorf, AlemanyaGermany
- Grand Prix European de Chant Choral Competition (1997) - Tours, Pransiya[2]
- Grand Prix de la Ville de Tours sa Florilege de Tours, Pransiya
- Unang Gantimpala for Category III (mixed vocal ensemble)
- Unang Gantimpala for Category IV (malayang palatuntunan)
- Prix University François Rabelais - para sa pinakamahusay na pag-awit ng isang bilang mula sa panahong Renasimiyento.
- Grand Prix European de Chant Choral Competition (Agosto 2007) - Arezzo, Italya[2].[3][4][5]
- UNESCO Artist for Peace (27 Hulyo 2009)[6]
Diskograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Joy: A Choral Celebration of Christmas (1997)
- Bayan Ko, Aawitan Kita (1998)
- Madz in Love (1999)
- Madz Around the World (2000)
- Acclamation (2006)
- Love, Joy and Inspiration (2006) - isang espesyal na kumpilasyong binubuo ng mga CD na Joy, Madz in Love and Acclamation
Mga Tagakumpas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Tagapagtatag na Tagakumpas - Andrea Veneracion (1963-2001, retirado)
- Kasalukuyang Tagakumpas - Mark Anthony Carpio (2001 - kasalukuyan)
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Madrigal Singers win European Grand Prix for the second time - INQUIRER.net, Philippine News for Filipinos Naka-arkibo 2007-10-11 sa Wayback Machine.
- ↑ 2.0 2.1 "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-10-25. Nakuha noong 2009-08-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "List of winners at the 2007 Arezzo competition". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-09-29. Nakuha noong 2009-08-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ GMA NEWS.TV, UP Madrigals home after choral grand prix win
- ↑ Madrigal Singers win European Grand Prix for the second time Naka-arkibo 2007-10-11 sa Wayback Machine.. The Philippine Daily Inquirer, 27 Agosto 2007.
- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-08-06. Nakuha noong 2009-08-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- The Philippine Madrigal Singers - Official website Naka-arkibo 2010-04-04 sa Wayback Machine.
- Philippine Madrigal Singers Naka-arkibo 2007-10-12 sa Wayback Machine. - from the Cultural Center of the Philippines website