Pumunta sa nilalaman

Mark Anthony Carpio

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si Mark Anthony Carpio ay isang tagakumpas ng koro at kasalukuyang tagakumpas na direktor ng Philippine Madrigal Singers, Kilyawan Boys Choir at Pansol Community Choir. Siya rin ay kasalukyang nagtuturo sa University of the Philippines College of Music in Diliman, Quezon City, Philippines.

Nagtapos siya sa University of the Philippines Diliman noong 1992 ng kursong Batsilyer sa Musika (Piano), cum laude, sa tulong ng dalawang iskolarsyip. Pagkalipas ng kanyang pagtatapos, naging kabilang siya sa pakuldad ng UP College of Music, noo'y sa Departamento ng Piano.

Nang taong ding iyon (1992), siya ay kinumbida upang maging kasapi ng Philippine Madrigal Singers o Madz, kung saan gumanap siya bilang isa sa mga Pangalawang Tenor hanggang 2001.

Kasama siya sa pangkat ng Madz na nagwagi sa European Choral Grand Prix sa Tolosa, Espanya (1996) at sa European Grand Prix for Choral Singing (1997), sa pamumuno ni Prop. Andrea Veneracion, also fondly known. Noong taon ding iyon, inanyayahan siyang maging kasapi ng World Youth Choir, na siyang nagsanay at nagtanghal noong panahong tag-init sa bansang Hapon.

Noong 1998, siya ay pinili ni Prop. Veneracion bilang katulong na tagakumpas ng Philippine Madrigal Singers. Tatlong taon makaraan nito (2001), pinili siya bilang kahaliling tagakumpas ni Prop. Veneracion. Una niyang naranasan ang pagkumpas at paggabay sa mga Madz noong 2000, kung saan siya ang pinakumpas ni Prop. Veneracion sa isa sa kanilang mga pagtatanghal sa Europa.

Sa kanyang pamamahala, ang mga Madz ay nagkaroon ng kanilang unang tour sa Amerika, Canada at Thailand sa mga taong 2002 at 2003.

Sa paglalakbay ng mga Madz sa Europa noong 2004, ginabayan niya ang mga Madz sa kanilang unang tagumpay sa Certamenes Internacional Habaneras y Polifonia sa Torrevieja, Espanya. Ito ang unang panalo ng Madz sa ilalim ni Prop. Carpio. Natamo nila ang mga Unang Gantipala sa mga kategoryang Habanera at Poliponiko.

Noong 2006, naipanalo uli ng mga Madz ang Florilege Vocal de Tours sa Pransiya sa ilalim ng kanyang ppaggabay. Napanalunan nila ang dalawang Unang Gantimpala para sa mga kategoryang Maliit na Pangkat ng Magkakaibang Tinig (Mixed Vocal Ensemble Category) at Malayang Palatuntunan (Mixed Program Category), at gayundin ang Gantimpala ng Pamantasan ng Francois Rabelais (para sa programang Rennaissance) at ang Grand Prix de la Ville de Tours (na siyang naging daan upang sila ay makalahok sa 2007 European Grand Prix for Choral Singing) sa Arezzo, Italya.

Nang sumunod na taon, 2007, naipanalo naman ng mga Madz ang European Grand Prix (EGP) for Choral Singing sa Arezzo, Italy. Dahil doon, sila ang pinakaunang korong nanalo ng makalawang ulit sa EGP at, hanggang sa ngayon, ang natatanging korong Asyano na nakagawa nito.

Noong Nobyembre 2008, itinanghal niya ang pinakahuling pagtatanghal ng 2008 Filipino Artist Series ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas sa pamamagitan ng isang recital sa Tanghalang Aurelio Tolentino, ang pinakaunang kontratenor na naitampok sa taunang seryeng ito. Inawit niya ang mga likha nila Handel, Bach, Mozart at ng mga Pilipinong kompositor na sina John August Pamintuan at Jed Balsamo.

Sa kasalukuyan, si Prop. Carpio ay lecturer sa Choral Conducting Ensemble Department ng Konserbatoryo ng Musika sa UP Diliman. Aktibo rin siya bilang guro ng pag-awit, at akompanista ng mga mang-aawit at soloistang kontratenor.


Noong 1994, kasama ni Hazel Parchaso-Copiaco, binuo niya ang Kilyawan Boys Choir (dating kilala bilang Claret Boys Choir).


Mga kawing panlbas

[baguhin | baguhin ang wikitext]