Pumunta sa nilalaman

Asami Konno

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Asami Konno
Kapanganakan7 Mayo 1987[1]
  • (Subprepektura ng Ishikari, Hokkaido, Hapon)
MamamayanHapon
NagtaposPamantasang Keio
Trabahomang-aawit, artista, anawnser

Si Asami Konno (紺野あさ美 Konno Asami; ipinanganak noong 7 Mayo 1987 sa Hokkaido ng bansang Hapon) ay isang Hapones na mang-aawit, na kasapi sa grupong Morning Musume, at aktress.

Kahit na hindi maganda ang ginawa ni Asami sa kanyang audition, siya pa rin ay pinili ni Tsunku dahil sa pagsisikap na ginawa niya. Sumali siya sa grupong Morning Musume, bilang kasapi sa panglimang henerasyon ng grupo. Ang iba pang kasapi ng henerasyong ito ay sina Ai Takahashi, Makoto Ogawa, at Risa Niigaki.

Pagdating ng taong 2002, inilagay siya sa subgroup na Tanpopo, kasama ang kamiyembrong si Risa Niigaki at isang miyembro galing Melon Kinebi, si Ayumi Shibata, upang palitang sina Kaori Iida, Mari Yaguchi, at Ai Kago. Inilagay rin siya sa shuffle group na Odoru 11.

Taong 2003, nahati ang Morning Musume sa dalawang bahagi at inilagay siya sa grupong Morning Musume Sakuragumi. Taong ring iyon, inilagay siya sa Country Musume, isang grupo (hindi subgroup) sa pamamhala rin ng Hello! Project, kasama ang kamiyembrong si Miki Fujimoto. Bukod dito, inilagay siya sa shuffle group na 11 WATER, at ginawang goalkeeper ng Gatas Brilhantes H.P., koponan ng Hello! Project para sa larong soccer.

Agosto ng gayong ding taon, inihayag sa Mechaike Okajo, isang palabas sa bansang Hapon, na siya ang pinakamagaling o matalinong miyembro ng grupo, pagkatapos makakuha ng matataas na grado sa mga pagsusulit na ginawa ng palabas.

Sa sumunod na taon, sa kauna-unahang pagkakataon, pinangunahan niya ang grupong Morning Musume sa kanilang pangdalawamput-apat na single, "Namida ga Tomaranai Houkago."

Mga photobook

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]


Hello! Project: Morning Musume
Mga Miyembro
Ai Takahashi (pinuno) | Risa Niigaki (bise-pinuno) | Eri Kamei | Sayumi Michishige | Reina Tanaka | Koharu Kusumi | Aika Mitsui | Jun Jun | Lin Lin
Asuka Fukuda | Aya Ishiguro | Sayaka Ichii | Yuko Nakazawa | Maki Goto | Kei Yasuda | Natsumi Abe | Nozomi Tsuji | Ai Kago | Kaori Iida | Mari Yaguchi | Rika Ishikawa | Asami Konno | Makoto Ogawa | Hitomi Yoshizawa | Miki Fujimoto
Diskograpiya
Mga Single: 0 | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 | 14 | 15 | 16 | 17 | 18 | 19 | 20 | 21 | 22 | 23 | 24 | 25 | 26 | 27 | 28 | 29 | 30 | 31 | 32 | 33 | 34 | 35
Mga Opisyal na Album: First Time | Second Morning | 3rd -Love Paradise- | 4th "Ikimashoi!" | No.5 | Ai no Dai 6Kan | Rainbow 7 | 7.5 Fuyu Fuyu Morning Musume Mini! | Sexy 8 Beat
Mga Best-of Album: Best! Morning Musume 1 | Best! Morning Musume 2 | Early Single Box | All Singles Complete
  1. Internet Movie Database (sa wikang Ingles), nm1375513, Wikidata Q37312, nakuha noong 10 Enero 2016{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)