Hitomi Yoshizawa
Hitomi Yoshizawa | |
---|---|
Kapanganakan | 12 Abril 1985[1]
|
Mamamayan | Hapon |
Trabaho | mang-aawit, artista |
Si Hitomi Yoshizawa (吉澤ひとみ Yoshizawa Hitomi; ipinanganak noong 12 Abril 1985 sa Saitama Prefecture ng bansang Hapon) ay isang Hapones na mang-aawit. Siya ang kasalukuyang pinuno ng grupong Morning Musume.
Karera
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Hitomi, kilala rin bilang Yossi at Yocchan para sa kanyang mga kaibigan, ay naging miyembro ng grupong Morning Musume pagkatapos siyang piliin ng mga hurado sa isang audition na ginanap noong 2000. Bukod sa kanya, nakasama rin sila Rika Ishikawa, Nozomi Tsuji, at Ai Kago. Binubuo nila ang pang-apat na henerasyon ng grupong Morning Musume.
Hulyo ng taong 2000, inilagay siya sa grupong Pucchi Moni pagkatapos umalis si Sayaka Ichii sa grupo. Simula dati, siya ay binabanyagan na boyish o mukhang lalaki dahil sa kanyang porma, mga kilos, at mga libangan. Sa taong 2001, sa unang pagkakataon, pinangunahan niya ang grupo sa kanilang ika-labing-tatlong single na Mr. Moonlight ~Ai no BIG BAND~. Dito, gumanap siya bilang isang mayaman na playboy. Ang kanyang karakter sa kanta ay dumagdag lamang sa mga balitang siya ay masyadong dumidikit sa kanyang panlalaking gilid o sa kanyang, sa salitang Ingles, masculine side.
Taong 2003, siya ay pinili bilang pinuno ng Gatas Brilhantes H.P., isang grupo ng Hello! Project para sa larong soccer. Naging pinuno rin siya ng Morning Musume pagkatapos ng biglaang pagreretiro ni Mari Yaguchi noong Abril 14, taong 2005.
Pagkatapos umalis ni Rika Ishikawa noong Mayo, taong 2005, siya na lamang ang natitirang miyembro ng pang-apat na henerasyon. Siya rin ang kaisa-isang miyembro ng kasalukuyang line-up na naging matagal na sa grupo.
Filmograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga palabas sa telebisyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Ore ga Aitsu de Aitsu ga Ore de (おれがあいつであいつがおれで)
- Motto Koiseyo Otome (もっと恋セヨ乙女)
Mga pelikula
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Pinch Runner (ピンチランナー)
- Tokkaekko (とっかえっ娘)
- Koinu Dan no Monogatari (仔犬ダンの物語)
Pahayagan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga photobook
[baguhin | baguhin ang wikitext]- [2001.10.06] Yoshizawa Hitomi Shashin Shuu Yossi (吉澤ひとみ写真集 よっすぃー)
- [2004.03.20] Yoshizawa Hitomi Shashin Shuu 8Teen (吉澤ひとみ写真集 8teen)
Hello! Project: Morning Musume |
Mga Miyembro |
Ai Takahashi (pinuno) | Risa Niigaki (bise-pinuno) | Eri Kamei | Sayumi Michishige | Reina Tanaka | Koharu Kusumi | Aika Mitsui | Jun Jun | Lin Lin |
Asuka Fukuda | Aya Ishiguro | Sayaka Ichii | Yuko Nakazawa | Maki Goto | Kei Yasuda | Natsumi Abe | Nozomi Tsuji | Ai Kago | Kaori Iida | Mari Yaguchi | Rika Ishikawa | Asami Konno | Makoto Ogawa | Hitomi Yoshizawa | Miki Fujimoto |
Diskograpiya |
---|
Mga Single: 0 | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 | 14 | 15 | 16 | 17 | 18 | 19 | 20 | 21 | 22 | 23 | 24 | 25 | 26 | 27 | 28 | 29 | 30 | 31 | 32 | 33 | 34 | 35 |
Mga Opisyal na Album: First Time | Second Morning | 3rd -Love Paradise- | 4th "Ikimashoi!" | No.5 | Ai no Dai 6Kan | Rainbow 7 | 7.5 Fuyu Fuyu Morning Musume Mini! | Sexy 8 Beat |
Mga Best-of Album: Best! Morning Musume 1 | Best! Morning Musume 2 | Early Single Box | All Singles Complete |