Pumunta sa nilalaman

Makoto Ogawa

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si Makoto Ogawa (小川麻琴 Ogawa Makoto; ipinanganak noong Oktubre 29, 1987 sa Niigata ng bansang Hapon) ay isang mang-aawit na Hapones, na kabilang sa grupong Morning Musume.

Bago maging mang-aawit si Makoto, siya ay kasapi sa isang pang-modelong ahensiya at gumawa ng iilang mga palathala, kabilang dito ay ang mga anunsiyo para sa kaligtasan ng mga matatanda kapag sasakay sa mga sasakyan. Siya din ay naging modelo para sa mga make-up at mga produktong pambuhok.

Taong 2001 naging miyembro si Makoto sa grupong Morning Musume, pagkatapos siyang piliin ni Tsunku sa audition na tinawag na "LOVE AUDITION 21." Naging kasapi siya sa panglimang henerasyon, kasama sina Ai Takahashi, Asami Konno, at Risa Niigaki.

Nang dumating ang taong 2002, inilagay siya sa subgroup na Pucchi Moni, kung saan niya nakasama ang kamiyembrong si Hitomi Yoshizawa at isang miyembrong taga-Coconuts Musume na si Ayaka Kimura. Pagkatapos siya ihalili sa subgroup na ito, inilagay rin siya sa shuffle group na Happy 7, isang grupo para sa taong iyon.

Isang taon ang nakalipas, noong nahati ang Morning Musume sa dalawang bahagi, inilagay siya sa grupong Morning Musume Otomegumi. Bukod dito, iniligay siya ulit sa isang shuffle group sa taong ding iyon. Ang subgroup na ito ay tinawag na SALT 5.

Mga photobook

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kawing panglabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]


Hello! Project: Morning Musume
Mga Miyembro
Ai Takahashi (pinuno) | Risa Niigaki (bise-pinuno) | Eri Kamei | Sayumi Michishige | Reina Tanaka | Koharu Kusumi | Aika Mitsui | Jun Jun | Lin Lin
Asuka Fukuda | Aya Ishiguro | Sayaka Ichii | Yuko Nakazawa | Maki Goto | Kei Yasuda | Natsumi Abe | Nozomi Tsuji | Ai Kago | Kaori Iida | Mari Yaguchi | Rika Ishikawa | Asami Konno | Makoto Ogawa | Hitomi Yoshizawa | Miki Fujimoto
Diskograpiya
Mga Single: 0 | 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6 | 7 | 8 | 9 | 10 | 11 | 12 | 13 | 14 | 15 | 16 | 17 | 18 | 19 | 20 | 21 | 22 | 23 | 24 | 25 | 26 | 27 | 28 | 29 | 30 | 31 | 32 | 33 | 34 | 35
Mga Opisyal na Album: First Time | Second Morning | 3rd -Love Paradise- | 4th "Ikimashoi!" | No.5 | Ai no Dai 6Kan | Rainbow 7 | 7.5 Fuyu Fuyu Morning Musume Mini! | Sexy 8 Beat
Mga Best-of Album: Best! Morning Musume 1 | Best! Morning Musume 2 | Early Single Box | All Singles Complete

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.