Pumunta sa nilalaman

Asasinasyon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Assassination)
Ang Asasinasyon ni Julio Cesar sa Senado, isang dibuho ni Vincenzo Camuccini (1771–1844).

Ang asasinasyon ay ang sadyang pagpatay sa isang prominente o mahalagang tao,[1] tulad ng isang puno ng estado, puno ng pamahalaan, politiko, kasapi ng pamilyang may dugong bughaw, o Punong Opisyal ng Ehekutibo (ng isang kompanya). Maaring maudyukan ang isang asasinasyon ng mga motibong pampolitika o militar, o sinagawa para magkaroon ng kuwarta, upang maghiganti ang isang hinaing, mag sikat o tanyag sa masamang paraan, o dahil sa isang utos na kailangang gawin ng pangkat militar, seguridad, o siktretong pulis. Naisagawa na ang mga gawaing asasinasyon noong pang sinaunang panahon. Tinatawag na asesino o hitman ang nagsasagawa ng asasinasyon.

Kahulugan sa mga diksyunaryo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Tinatawag ang asasinasyon sa wikang Ingles bilang assassination na ayon sa The American Heritage Dictionary[2] ay ang "pagpaslang o sinadyang pagpatay (karaniwan na ng isang mahalagang tao) sa pamamagitan ng isang biglaan at/o palihim na pag-atake, karaniwang para sa mga dahilan pampolitika. Kabilang sa mga kahulugan ng asasinasyon ang mga sumusunod (ang karamihan sa mga kahulugan ay isinalin mula sa Ingles na mga pananalita):

  • Ayon sa Gabby's Dictionary, isa itong "pataksil na pagpatay sa importanteng tao".[3]
  • Collins English Dictionary: "pagpaslang sa (isang tao, partikular na ang isang pigurang publiko o pampolitika), karaniwang sa pamamagitan ng biglaang paglusob."[4]
  • Webster's New World College Dictionary: "pagpaslang (lalo na isa taong mahalaga sa politika o tanyag) sa pamamagitan ng nakagugulat na pag-atake, karaniwang para sa salapi o mula sa masugid na paniniwala".[5]
  • Concise Oxford English Dictionary 2008: assassinate-"pagpatay sa (isang pinuno sa politika at relihiyon)."[6]
  • Oxford English Dictionary: "Ang aksiyon ng pagpaslang; ang pagbawi ng buhay ng sinuman sa pamamagitan ng mapagkanulong karahasan, partikular na sa pamamagitan ng isang binayarang emisaryo o sugo, o isang tao na umako ng gawaing ito upang maisagawa ang pagpaslang."
  • Merriam-Webster Dictionary:
    1. "ang pagsalanta o pagwasak na hindi inaasahan o mapagkanulo";
    2. ang sadyang pagpatay (ng isang taong prominente) sa pamamagitan ng biglaan o palihim na paglusob na kadalasang para sa mga dahilang pampolitika[7]
  • Black's Law Dictionary: "ang gawain ng sinasadyang pagpatay sa isang tao partikular na ng isang pigurang pampubliko, na karaniwang binayaran o para sa mga kadahilanang pampolitika".[8][9] Bilang pamalit, ang asasinasyon ay maaaring bigyang kahulugan bilang "ang gawain ng sadyang pagpatay sa isang tao, natatangi na ang isang taong pampubliko, na karaniwang binayaran o para sa mga kadahilanang pampolitika."

Ang asasinasyon ay maaaring inuudyok ng mga motibong panrelihiyon, pang-ideolohiya, pampolitika, o pangmilitar; maaari itong isagawa para sa pananaw na may pagkamal ng salapi o pagpatay na may kontrata, upang maipaghiganti ang isang hinaing, mula sa isang pagnanais upang makakuha ng katanyagan o kabantugan iyung isang pangangailangang sikolohikal upang magkamit ng pagkilalang pansarili at pampubliko, mula sa isang kahilingan makabuo ng isang uri ng "ugnayan" sa isang pigurang pampubliko, o mula sa kagustuhang mapatay o magsagawa ng pagpapatiwakal o pagpapakamatay dahil sa ginawang asasinasyon.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Black's Law Dictionary "the act of deliberately killing someone especially a public figure, usually for money or for political reasons" (Legal Research, Analysis and Writing ni William H. Putman p. 215 at Assassination Policy Under International Law Naka-arkibo 2010-12-06 sa Wayback Machine., Harvard International Review, Mayo 6, 2006, ni Kristen Eichensehr).
  2. Thefreedictionary.com Assassination
  3. Assassination, asasinasyon Naka-arkibo 2011-07-11 sa Wayback Machine., gabbydictionary.com
  4. Thefreedictionary.com
  5. Yourdictionary.com
  6. Wordreference.com,
  7. assassination
  8. Putnam, William H., Legal Research, Analysis and Writing pahina 215 at Eichensehr, Kristen, Assassination Policy Under International Law Naka-arkibo 2010-12-06 sa Wayback Machine., Harvard International Review, 6 Mayo 2006.
  9. "assassinate (kill)". Memidex/WordNet Dictionary/Thesaurus. Nakuha noong 2011-03-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)