Asteroyd
Ang asteroyd (Ingles: asteroid) o makabuntala ay isang planetang di-pangunahin, lalo na sa loob ng Sistemang Solar na nagliligiran o umiikot sa Araw. Ang asteroyd ay isang halimbawa ng malabuntala (o planetoid) na mas maliit kaysa sa mga planeta. Karamihan sa mga asteroyd ay pinaliliwalang labi ng protoplanetary disc na hindi naisama sa mga planeta noong nabubuo ang sistema. Ilan sa mga asteroyd ay may mga buwan. Karamihan sa mga asteroyd ay matatagpuan sa sinturon ng asteroyd, na may mga eliptikal na ligiran sa pagitan ng Mars at Jupiter. Ang pinakamalaki sa mga ito ay 1 Ceres.
Ang katawagang asteroid, na nangangahulugang star-like o malabituin (mula sa Griyego αστεροειδής asteroeides, ᾰ̓στήρ aster "bituin" + -ειδής -eides, mula sa εἶδος eidos "anyo, hugis") ay unang nilikha noong 1802 ni Sir Willian Herschel pagkaraang matuklasan ni Heinrich Wilhelm Olbers ang ikalawa, 2 Pallas, noong huling bahagi ng Marso ng taon ding iyon, upang ilarawan ang kanilang malabituin na anyo; ang ibang kilalang planeta ay nagmumukhang disc kung ikukumpara. Ginamit din niya ang katawagan sa mga maliliit na buwan ng mga higanteng planeta o gas giants. Ang unang scientific paper [1] na gumamit ng katawagng ito sa pamagat ay inilathala noong 1840 ni Georg Adolph Erman.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Astronomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.