Auditoryo
- Huwag itong ikalito sa awditoryum.
Ang auditoryo ay isang pang-uring nangangahulugang "hinggil sa pandinig".[1][2] Ginagamit ito para sa pandama ng pandinig, sa nerbyo o ugat-pandama ng pandinig, at maging para sa lundayan o sentro ng utak na nakaugnay sa tungkulin ng pandinig. Mayroong walong nerbyong kranyal (walong pares ng mga ugat na pandama o nerb) na lumilitaw mula sa utak mismo, at tinatawag rin bilang mga nerbyong auditoryo. Binubuo ang bawat isa sa mga ugat-pandamang ito ng dalawang magkaibang bahagi. Isa sa mga ito ang nakakabit sa organo ng pandinig at sa pandama ng pandinig. Samantalang nakadikit naman sa pandama ng paninimbang o ekwilibriyo ang ikalawa, na nakapagsasagawa ng pagbalanse ng katawan upang hindi mabuwal.[2]
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Gaboy, Luciano L. Auditory, auditoryo - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
- ↑ 2.0 2.1 Robinson, Victor, pat. (1939). "Auditory". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York).
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 62.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.