Bagwis (pelikula ng 1989)
Ang Bagwis ay isang pelikulang pantasya na ipinalabas noong 1989.
Ito ay naibase sa isang karakter sa komiks ng parehong pangalan na inilikha ni Reno Maniquis.
Buod
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagsimula itong makulay na istoryang to sa isang sanggol na nagngangalang Ige (Chuck Perez), na naianod sa ilog at natagpuan siya ni Tasyo (Panchito), ipinakita niya ito sa pari na nagngangalang Fr. Joaquin, naawa sila sa batang sanggol at kanila'y kinupkop. Sa paglaki ni Ige, siya ay naging bulag at tampulan ng tukso, kinagabihan habang natutulog siya, bigla siyang nakarinig ng boses mula sa langit na tila lingid sa kanyang kaalaman siya ang magiging tagapagligtas ng nakararami, tagapagtanggol ng mga naapi at tagatuwid ng mga naliligaw ng landas, siya'y magiging si Bagwis , ang sugo ng kabutihan at kalangitan upang labanan ang kasamaan. Taglay niya'y may pakpak na puti na parang aguila o lawin, pambihirang lakas na may mga sandata tulad ng esapada at kalasag. Ngunit ang mga sandatang yan ay ginagamit lamang upang labanan ang mga diablo at mga halimaw na namiminsala sa kalupaan at kailanman di maaring gamitin para pumatay ng tao at mga nilalang na walang kalaban-laban.
Mga itinatampok
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Chuck Perez bilang Bagwis
- Lani Lobangco
- Panchito bilang Tasyo
- Smokey Manaloto
Mga nakakonekta
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pelikula mula sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.