Chuck Perez

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Chuck Perez
KapanganakanChuck Perez
Nobyembre 1964[1]
Lungsod ng Quezon, Pilipinas

Si Chuck Perez ay isang artista sa Pilipinas. Nakilala siya bilang si Ige / Bagwis sa pelikulang Bagwis (1989) at sa mga pelikula niya tulad ng Lt. Palagawad, Big Boy Bato at Junior Quiapo na siyang pinagbidahan niya. Nakilala rin siya sa mga pelikula gaya ng Shake Rattle and Roll 5 (1994) bilang halimaw na si Andres sa episode nitong Impakto, Dupax sa Nikilado (1999) na pinagbidahan ni Jeric Raval, Isang hitman sa pelikulang Eseng ng Tondo (1997) na pinagbidahan ni Fernando Poe, Jr., isang big boss sa pelikula ni Bong Revilla sa pelikulang Walang Matigas na Pulis sa matinik na Misis (1998) at Lucas Dibalo sa pelikulang Buhawi Jack (1998) na pinagbidahan ni Monsour del Rosario na siyang lahat ang naging kontrabida.

Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Gabinete, Jojo (22 Abril 2019). "Dinky Doo, nabiktima ng death hoax". Nakuha noong 24 Disyembre 2019.