Bakit Itim ang Uwak
Ang "Bakit Itim ang Uwak" (Ingles: Why the Crow is Black) o "Paano Naging Itim ang Uwak" (Ingles: How the Crow became Black) ay isang kwentong-bayan mula sa Pilipinas. Maari itong ituring na isang alamat — isang uri ng kuwentong bayan na nagpapaliwanag o naglalaman ng mga kwento tungkol sa pinagmulan ng isang lugar, pangalan ng mga tao, hayop, halaman o bagay-bagay. Karaniwan, ang mga alamat ay naglalaman ng mga elementong mahika o di-karaniwan na tumutugma sa paniniwala at kultura ng isang lugar o grupo ng mga tao. Ito ay isang mahalagang bahagi ng mga tradisyonal na kwento ng isang kultura o bansa.
Isang baryasyon ng kwentong-bayan na ito ang sa isa pang kuwentong bayan na "Ang Kuling at ang Uwak" kung saan pinalawanag kung bakit maitim ang balahibo ng uwak. Sa aklat ni Dean Fansler na Filipino Popular Tales, may dalawang kuwento doon, ang Bakit Itim ang Uwak at Paano Naging Itim ang Uwak na pinapaliwanag ang dahilan sa pag-itim ng uwak. Sinalaysay ni Vicente L. Neri isang Bisaya mula Cagayan, Misamis kay Fansler ang kuwentong-bayan na "Paano Naging Itim ang Uwak". Sinasabi na ikinuwento sa kanya ito ng kanyang lola. Samantala, ang Ilokanong taga-Tarlac na si Ricardo Ortega naman ang nagkuwento ng Bakit Itim ang Uwak kay Fansler. Bagaman Ilokano si Ortega, Kapampangan ang istorya.
Koleksyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang kwentong ito ay isa sa mga nilikom ni Dean S. Fansler, PhD sa kaniyang librong: Filipino Popular Tales.[1] Ang naturang aklat ay nailimbag ng American Folklore Society noong 1921 sa Lancaster, PA at sa New York. Bagamat ang kwento ay naisalin sa Tagalog at iba pang diyalekto, nailimbag ito sa Ingles. Sa kaniyang paliwanag, pampanitikan at hindi linggwista ang layunin ng kaniyang paglilimbag ng kwentong ito sa Ingles.[1] Bagamat muli, maaring ilimbag ang kwento sa Espanyol, minarapat ni Fansler na gamitin ang Ingles dahil ayon sa kaniya, ito ang mas umiiral na lengwahe noong mga panahong yaon.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 Fansler, Dean S. Filipino Popular Tales. 1921. Project Gutenberg, 2008, www.gutenberg.org/ebooks/8299.