Pumunta sa nilalaman

Lancaster, Pennsylvania

Mga koordinado: 40°2′23″N 76°18′16″W / 40.03972°N 76.30444°W / 40.03972; -76.30444
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Lancaster, Pennsylvania
Watawat ng Lancaster, Pennsylvania
Watawat
Sagisag ng Lancaster, Pennsylvania
Sagisag
Logo ng Lancaster, Pennsylvania
Logo
Palayaw: 
The Red Rose City
Kinaroroonan ng Lancaster sa Kondado ng Lancaster, Pennsylvania.
Kinaroroonan ng Lancaster sa Kondado ng Lancaster, Pennsylvania.
Lancaster is located in Pennsylvania
Lancaster
Lancaster
Kinaroroonan ng Lancaster sa Kondado ng Lancaster, Pennsylvania.
Lancaster is located in the United States
Lancaster
Lancaster
Lancaster (the United States)
Mga koordinado (Penn Square): 40°2′23″N 76°18′16″W / 40.03972°N 76.30444°W / 40.03972; -76.30444
BansaEstados Unidos Estados Unidos
EstadoPennsylvania Pennsylvania
KondadoLancaster
Itinatag1729
Ingkorporado1742 (bayan)
1818 (lungsod)
NagtatágJames Hamilton
Ipinangalan kay (sa)Lancaster, Lancashire, Inglatera
Pamahalaan
 • UriMakapangyarihan na alkalde − sanggunian
 • AlkaldeDanene Sorace (D)
 • Sangguniang panlungsod
Lawak
 • Lungsod7.35 milya kuwadrado (19.03 km2)
 • Lupa7.23 milya kuwadrado (18.72 km2)
 • Tubig0.12 milya kuwadrado (0.31 km2)
 • Metro
802 milya kuwadrado (2,080 km2)
Taas
368 tal (112 m)
Populasyon
 • Lungsod58,039
 • RanggoIka-10 sa Pennsylvania
 • Kapal8,030.86/milya kuwadrado (3,100.60/km2)
 • Urban
394,531 (US: Ika−107)
 • Densidad sa urban2,173.3/milya kuwadrado (839.1/km2)
 • Metro
552,984 (US: 104)
DemonymLancastrians
Sona ng orasUTC−5 (EST)
 • Tag-init (DST)UTC−4 (EDT)
Kodigo ng ZIP
17573, 17601−17608, 17611, 17622, 17699
Kodigo ng lugar717 at 223
Kodigong FIPS42-41216
Websaytcityoflancasterpa.gov

Ang Lancaster[a] ay isang lungsod sa Kondado ng Lancaster, Pennsylvania sa Estados Unidos. Punong lungsod ito ng nabanggit na kapangalang kondado.[4] Mayroon itong populasyon na 58,039 katao sa senso noong 2020,[5] kaya ikawalo ito sa pinakamalaking mga lungsod sa estado.[6] Pangunahing lungsod ito sa Timog Gitnang Pennsylvania, na may 552,984 katao sa kalakhang pook nito.

Isa sa pinakamatandang mga lungsod sa looban ng Estados Unidos ang Lancaster. Itinatag ito noong dekada-1720 at naging kabisera ng Pennsylvania mula 1799 hanggang 1812. Ang pangunahing mga industriya ng lungsod ay pangangalaga ng kalusugan, turismo, pampublikong pangangasiwa, paggawa, at mga serbisyong propesyonal at semi-propesyonal. Matatagpuan ang Lancaster 59 milya (95 km) sa timog-kanluran ng Allentown at 61 milya (98 km) sa kanluran ng Philadelphia. Pangunahing lungsod ito ng Pennsylvania Dutch Country.

Ika-18 dantaon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Unang tinawag na Hickory Town ang Lancaster. Pinalitan ni John Wright, na negosyante mula sa Lancaster sa Inglatera, ng pangalan nito, at hinango niya ito mula sa pangalan ng kaniyang lungsod. Nagmula sa Sambahayan ng Lancaster ang pulang rosas na siyang naging sagisag ng pamayanan.[7] Bahagi ang Lancaster ng Penn's Woods Charter ng 1681 ni William Penn, at inilatag ito ni James Hamilton noong 1734. Isinapi o iningkorporado ito bilang isang bayan (borough) noong 1742, at isinapi ito bilang isang lungsod noong 1818.[8]

Idinaos sa bahay-hukuman ng Lancaster ang isang kasunduang kolonyal sa pagitan ng Kumpederasyon ng Haudenosaunee at ng mga Lalawigan ng Pennsylvania, Maryland, at Virginia noong tag-init ng 1744. Nagsilbing interpreter si Conrad Weiser habang inilathala naman ni Benjamin Franklin ang teksto ng kasunduan.[9]

Nagsilbi ang Lancaster bilang pansamantalang kabisera ng Estados Unidos sa loob ng isang araw noong kasagsagan ng Rebolusyong Amerikano, noong ika-27 ng Setyembre, 1777, pagkaraang nilisan ng Kongresong Kontinental ang Philadelphia nang sakupin ito ng mga Briton. Naging tahanan nila ang bahay-hukuman, na itinayo noong 1739 ngunit nasunog noong 1784, at muling itinayo bago lumipat sa kasalukuyang puwesto ng bahay-hukuman noong 1852, at kinatatayuan ngayon ng Bantayog ng mga Sundalo at Marino (Soldiers and Sailors Monument) ang orihinal na kinaroroonan ng gusali. Muling lumipat ang pamahalaang rebolusyonaryo sa sumunod na araw (ika-28 ng Setyembre), sa York, Pennsylvania sa pagkakataong ito.[10][11]

Ika-19 na dantaon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mula 1799 hanggang 1812, ang Lancaster ay ang kabisera ng Pennsylvania. Nasa dating bahay-hukuman ng lungsod ang tanggapan ng estado (giniba noong 1852 at naging kinaroroonan ng Bantayog ng mga Sundalo at Marino sa Liwasang Penn).[10] Inilipat ang kabisera sa Harrisburg noong 1812, at nanatili rito ang kabisera magmula noon.[11]

Ipinapakita ng mga ulat sa senso sa Estados Unidos na kabilang ang Lancaster sa isandaang nangungunang mga pook na urbano na may pinakamalalaking populasyon sa bansang iyon mula 1800 hanggang 1900.

Ang dating Philadelphia and Lancaster Turnpike na iniugnay ang Philadelphia sa Lancaster ang unang sementadong kalsada na pangmahabang distansiya sa Estados Unidos. Binuksan ito noong 1795 at may haba na animnapu't dalawang milya. Unang nilatagan ng mga bato ang buong daan, at binalutan naman ito ng graba. Nagkakahalaga ito ng higit sa $450,000, na isang napakalaking halaga sa mga panahong iyon. Sinundan ng ruta ang mga sumusunod na lansangan sa kasalukuyang panahon: Pennsylvania Route 340 (na tinatawag ding "Old Philadelphia Pike") mula Lancaster hanggang Thorndale, at U.S. Route 30 Business at U.S. Route 30 mula Thorndale hanggang Philadelphia.

Naging tahanan ng ilan sa mahahalagang mga estadista sa kasaysayan ng Amerika ang Lancaster, tulad ng dating pangulo ng bansa na si James Buchanan na may ari-arian sa lungsod na tinaguriang Wheatland. Isa na ito sa mga tanyag na pasyalan sa lungsod. Nanirahan din noon sa Lancaster si Thaddeus Stevens, bilang isang abogado. Tinuringan siyang isa sa pinakamakapangyarihang mga miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Estados Unidos at nakilala siya bilang isa sa mga Radikal na Republikano na nagtaguyod sa pagbuwag ng pang-aalipin sa bansa. Matatagpuan din sa lungsod ang Bahay Opera ng Fulton na hango ang pangalan mula kay Robert Fulton, isang inhenyerong taga-Lancaster na gumawa ng kauna-unahang steamboat na ganap na umaandar. Bawat isa sa mga nabanggit na indibidwal ay may pampook na paaralan na ipinangalan sa kanila.

Naging sentro ng pagawaan ng bakal ang Lancaster pagkaraan ng Digmaang Rebolusyonaryo sa Amerika. Dalawa sa pinakagamit na mga produkto na kinakailangan ng mga unang manggagalugad na titira sa Prontera ng Amerika ay ang kariton ng Conestoga at mahabang riple mula sa Pennsylvania, pawang ginawa sa Lancaster. Ipinangalan ang kariton sa Ilog Conestoga na dumadaloy sa lungsod.[12] Nanirahan sa lungsod ang madiskarteng tagagawa ng baril na si William Henry na naging isang Kongresista sa Amerika at pinuno noong panahon ng Rebolusyong Amerikano at gayundin pagkatapos nito.

Noong 1803, binisita ni Meriwether Lewis ang Lancaster upang turuan ni Andrew Ellicott, isang kilalang agrimensor, ng mga pamamaraan sa pagsukat ng lupa. Sa kaniyang pagbisita, natutuhan ni Lewis ang pagguhit ng latitud at longhitud bilang bahagi ng kaniyang pangkalahatang pagsasanay na kailangan niya upang mamuno sa Ekspedisyong Lewis at Clark.[13]

Binuksan ni Frank Winfield Woolworth ang kaniyang unang matagumpay na tindahang five and dime sa lungsod ng Lancaster – ang F. W. Woolworth Company – noong 1879.[12]

Matatagpuan ang Lancaster sa rehiyon ng Piedmont sa Pennsylvania. Nasa hilaga ng Ilog Conestoga na isang kaliwang sangay ng Ilog Susquehanna ang lungsod. Ayon sa Kawanihan ng Senso ng Estados Unidos, may kabuoang lawak na 7.35 milya kuwadrado (19.0 km2) ang lungsod, 7.23 milya kuwadrado (18.7 km2) nito ay lupa at 1.65% ay katubigan.

Datos ng klima para sa Lancaster, Pennsylvania (1991–2020 karaniwan, mga sukdulan 1894–kasalukuyan)
Buwan Ene Peb Mar Abr May Hun Hul Ago Set Okt Nob Dis Taon
Sukdulang taas °P (°S) 77
(25)
82
(28)
88
(31)
94
(34)
99
(37)
103
(39)
104
(40)
107
(42)
99
(37)
95
(35)
86
(30)
76
(24)
107
(42)
Tamtamang pinakamataas °P (°S) 61.3
(16.3)
62.3
(16.8)
72.9
(22.7)
84.1
(28.9)
89.8
(32.1)
92.9
(33.8)
95.2
(35.1)
93.8
(34.3)
89.7
(32.1)
81.8
(27.7)
72.4
(22.4)
63.1
(17.3)
96.5
(35.8)
Katamtamang taas °P (°S) 39.9
(4.4)
42.8
(6)
52.0
(11.1)
64.6
(18.1)
74.5
(23.6)
82.7
(28.2)
87.0
(30.6)
85.1
(29.5)
78.2
(25.7)
66.4
(19.1)
54.8
(12.7)
44.4
(6.9)
64.4
(18)
Arawang tamtaman °P (°S) 31.0
(−0.6)
33.2
(0.7)
41.4
(5.2)
52.6
(11.4)
62.4
(16.9)
71.2
(21.8)
75.9
(24.4)
74.1
(23.4)
66.9
(19.4)
55.1
(12.8)
44.4
(6.9)
35.7
(2.1)
53.7
(12.1)
Katamtamang baba °P (°S) 22.2
(−5.4)
23.6
(−4.7)
30.9
(−0.6)
40.5
(4.7)
50.4
(10.2)
59.7
(15.4)
64.7
(18.2)
63.0
(17.2)
55.6
(13.1)
43.7
(6.5)
34.0
(1.1)
27.1
(−2.7)
42.9
(6.1)
Tamtamang pinakamababa °P (°S) 6.5
(−14.2)
8.4
(−13.1)
16.6
(−8.6)
27.7
(−2.4)
36.3
(2.4)
46.8
(8.2)
54.9
(12.7)
52.4
(11.3)
42.4
(5.8)
30.5
(−0.8)
21.2
(−6)
13.1
(−10.5)
3.7
(−15.7)
Sukdulang baba °P (°S) −27
(−33)
−18
(−28)
−2
(−19)
11
(−12)
21
(−6)
32
(0)
42
(6)
37
(3)
29
(−2)
19
(−7)
−7
(−22)
−9
(−23)
−27
(−33)
Katamtamang presipitasyon pulgada (mm) 3.01
(76.5)
2.52
(64)
3.50
(88.9)
3.54
(89.9)
3.65
(92.7)
4.09
(103.9)
4.51
(114.6)
3.60
(91.4)
4.82
(122.4)
4.18
(106.2)
3.26
(82.8)
3.47
(88.1)
44.15
(1,121.4)
Balasaking pag-niyebe pulgada (cm) 6.1
(15.5)
7.4
(18.8)
3.4
(8.6)
0.2
(0.5)
0.0
(0)
0.0
(0)
0.0
(0)
0.0
(0)
0.0
(0)
0.3
(0.8)
0.6
(1.5)
3.4
(8.6)
21.4
(54.4)
Araw ng katamtamang presipitasyon (≥ 0.01 in) 10.0 8.8 10.5 10.9 12.7 11.1 10.3 9.7 9.5 9.9 9.6 10.9 123.9
Araw ng katamtamang pag-niyebe (≥ 0.1 in) 2.7 2.7 1.2 0.1 0.0 0.0 0.0 0.0 0.0 0.0 0.3 1.1 8.1
Sanggunian: NOAA[14][15]
Makasaysayang populasyon
Senso Pop.
17903,762
18004,29214.1%
18105,40525.9%
18206,63322.7%
18307,70416.1%
18408,4179.3%
185012,36947.0%
186017,60342.3%
187020,23314.9%
188025,76927.4%
189032,01124.2%
190041,45929.5%
191047,22713.9%
192053,15012.5%
193059,94912.8%
194061,3452.3%
195063,7744.0%
196061,055−4.3%
197057,690−5.5%
198054,725−5.1%
199055,5511.5%
200056,3481.4%
201059,3225.3%
202058,039−2.2%
2024 (est.)58,441−1.5%
Sources:[16][17][18][19][3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "City Council".
  2. "ArcGIS REST Services Directory". United States Census Bureau. Nakuha noong Oktubre 12, 2022.
  3. 3.0 3.1 "Census Population API". United States Census Bureau. Nakuha noong Oktubre 12, 2022.
  4. "History of the City of Lancaster". City of Lancaster. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 18, 2012. Nakuha noong Hulyo 21, 2011.
  5. "The Most Populous Counties and the Most Populous Cities and Townships in 2010 in Pennsylvania". US Census Bureau. Inarkibo mula sa orihinal (xls) noong Abril 9, 2011. Nakuha noong Abril 5, 2011.
  6. "GCT-T1-R. Population Estimates (geographies ranked by estimate)". Pennsylvania – Place and County Subdivision. US Census Bureau. Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 12, 2020. Nakuha noong Marso 31, 2011.
  7. "A History of Lancaster, PA". Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 3, 2012. Nakuha noong Hulyo 1, 2016.
  8. "Lancaster County History". PHMC. Inarkibo mula sa orihinal noong Setyembre 8, 2006. Nakuha noong Agosto 1, 2006.
  9. A Treaty, Held at the Town of Lancaster, in Pennsylvania, By the Honourable the Lieutenant-Governor of the Province, And the Honourable the Commissioners for the Provinces of Virginia and Maryland, With the Indians of the Six Nations, In June, 1744. Philadelphia: B. Franklin, 1744.
  10. 10.0 10.1 "Lancaster's old Courthouse: Witness to Great Moments in American History". Hunyo 12, 2020.
  11. 11.0 11.1 "City of Lancaster, PA". Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 8, 2011.
  12. 12.0 12.1 "Lancaster - Pennsylvania, United States". Nakuha noong Hulyo 1, 2016.
  13. "Lewis and Clark Expo timeline". Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 13, 2006.
  14. "NowData – NOAA Online Weather Data". National Oceanic and Atmospheric Administration. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 5, 2012. Nakuha noong Agosto 7, 2021.
  15. "Station: Lancaster 2NE FLTR PLT, PA". U.S. Climate Normals 2020: U.S. Monthly Climate Normals (1991–2020). National Oceanic and Atmospheric Administration. Nakuha noong Agosto 7, 2021.
  16. "Census of Population and Housing". U.S. Census Bureau. Nakuha noong Disyembre 11, 2013.
  17. "U.S. Census website". United States Census Bureau. Nakuha noong Enero 31, 2008.
  18. "Incorporated Places and Minor Civil Divisions Datasets: Subcounty Resident Population Estimates: April 1, 2010 to July 1, 2012". Population Estimates. U.S. Census Bureau. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 11, 2013. Nakuha noong Disyembre 11, 2013.
  19. "Census 2020".

Mga karagdagang babasahin

[baguhin | baguhin ang wikitext]
[baguhin | baguhin ang wikitext]