Bakit Umaakyat ng Damo ang mga Suso
Ang "'Bakit Umaakyat ng Damo ang mga Suso" (Ingles: Why Snails Climb up Grass) ay isang kwentong-bayan mula sa Pilipinas. Maari itong ituring na isang alamat — isang uri ng kuwentong bayan na nagpapaliwanag o naglalaman ng mga kwento tungkol sa pinagmulan ng isang lugar, pangalan ng mga tao, hayop, halaman o bagay-bagay. Karaniwan, ang mga alamat ay naglalaman ng mga elementong mahika o di-karaniwan na tumutugma sa paniniwala at kultura ng isang lugar o grupo ng mga tao. Ito ay isang mahalagang bahagi ng mga tradisyonal na kwento ng isang kultura o bansa.
Sinalaysay ng isang nagngangalang José E. Tomeldan ng Binalonan, Pangasinan kay Dean Fansler ang kuwentong-bayan na "Bakit Umaakyat ng Damo ang mga Suso" na napabilang sa aklat ni Fansler na Filipino Popular Tales. Katulad ng ibang kuwentong-bayang Pilipino, pinapaliwanag nito kung bakit umaakyat ng damo ang mga suso na nilalahad sa anyong pabula kung saan ang mga karakter ay mga hayop.
Koleksyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang kwentong ito ay isa sa mga nilikom ni Dean S. Fansler, PhD sa kaniyang librong: Filipino Popular Tales.[1] Ang naturang aklat ay nailimbag ng American Folklore Society noong 1921 sa Lancaster, PA at sa New York. Bagamat ang kwento ay naisalin sa Tagalog at iba pang diyalekto, nailimbag ito sa Ingles. Sa kaniyang paliwanag, pampanitikan at hindi linggwista ang layunin ng kaniyang paglilimbag ng kwentong ito sa Ingles.[1] Bagamat muli, maaring ilimbag ang kwento sa Espanyol, minarapat ni Fansler na gamitin ang Ingles dahil ayon sa kaniya, ito ang mas umiiral na lengwahe noong mga panahong yaon.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 Fansler, Dean S. Filipino Popular Tales. 1921. Project Gutenberg, 2008, www.gutenberg.org/ebooks/8299.