Balarila ng Wikang Espanyol

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Ang bantayog ng dalubwikang si Antonio de Nebrija sa pambansang aklatan ng Madrid na nililok ni Anselmo Nogues. Noong 1492, si Nebrija ang kauna-unahang Europeo na nagsulat ng balarila isang wikang Romanika o Neolatina (bagong Latin), ang Espanyol.

Ito ang Balarila ng Wikang Espanyol, na isang wikang Romanse na nagmula sa hilagang gitnang bahagi ng Espanya at ginagamit na siya ngayon sa kabuuan ng naturang bansa, sa halos dalawampung bansa sa mga Amerika, at sa Ginea Ekwatoryal.

Wikang "pleksibo" (inflected) ang Espanyol. May potensyal na pagmamarka sa mga pandiwa ayon sa panahunan, aspeto, paturol, tao o bilang (na nagreresulta sa halos limampung anyo ng pagbabanghay bawat pandiwa). Binubuo ang mga pangngalan ng dalawang sistemang pang-kasarian at minamarkahan para sa bilang. Maaaring baguhin ang impleksyon ang mga panghalip para sa tao, bilang o pang-kasarian (kabilang ang labing walang kasarian [residual neuter]), at kaso, baga ma't sumasagisag ang sistemang pronominal ng Espanyol sa pagpapa-alwan ng sinaunang sistema ng Latin.

Isa ang Espanyol sa mga bernakular sa Europa na nagkaroon ng kasunduang pambalarila, ang Gramática de la lengua castellana (Balarila ng wikang Kastila) na isinulat noong 1492 ng dalubwikang Andalus na si Antonio de Nebrija at iniharap kay Isabela I ng Kastilya sa Salamanka.[1]

Nakagisnang iniaatas ng Real Academia Española (RAE) ang mga pamantayang tuntunin sa wikang Espanyol, maging sa palabaybayan o ortograpiya nito.

Kapansin-pansing kakaunti lang ang mga pinagkaibang pang-pormal ng Peninsular at Amerikanong Espanyol, at hindi mahihirapan sa pormal na pananalita ng iba ang sino mang natuto ng wikain ng isang lugar na iyon; ganoon pa man, magkakaiba-iba ang pagbigkas, maging sa balarila at talasalitaan.

Pandiwa[baguhin | baguhin ang batayan]

Nabibilang ang bawat pandiwang Espanyol sa isa sa tatlong uri ng anyo na binibigyang-katangian ng mga pawatas na nagtatapos sa -ar, -er at -ir (na minsan ding tinatawag na una, ikalawa at ikatlong pagbabanghay na naaayon sa mga nabanggit na tatlo).

Mayroong siyam na indikatibong panauhan (indicative tense) na mayroong higit-kumulang na direktang katumbas sa Ingles: ang pangkasalukuyang panauhan ('Nalakad ako'; I walk), ang preterito ('Naglakad ako'; I walked), ang di-perpekto (I was walking o I used to walk), ang kasalukuyang perpekto ('Nakapag-lakad ako'; I have walked), ang pangnagdaang perpekto — na tinatawag ding pluperpekto (I had walked), ang panghinaharap ('Maglalakad ako'; I will walk), ang panghinaharap na perpekto ('Makakapag-lakad ako'; I will have walked), ang kondisyonal ('Maglalakad sana ako'; I would walk) at ang kondisyonal na perpekto ('Makakapag-lakad sana ako'; 'I would have walked').

Karamihan sa mga wikain o diyalekto, ang bawat panauhang pang-pandiwa ay mayroong anim na anyo, na nagbabago-nago mula sa una, pangalawa, at pangatlong katauhan at para sa pang-isahan at pangmaramihang bilang. Sa ikalawang katauhan, pinapanatili sa Espanyol ang tinatawag na "Pagkakaibang T-V" sa pagitan ng pamilyar at pormal na modo ng pagbibigay-tugon. Ang mga panghalip sa pormal na ikalawang katauhan (usted 'ikaw po', ustedes 'kayo po') ay nakahanay sa ikatlong katauhan ng mga anyong pandiwa.

Ginagamit ang ikalawang katauhang pamilyar na pangmaramihan sa maraming lugar sa Espanya na may panghalip na vosotros ('kayo') at ang mga anyo ng pandiwang na nakabanghay dito (hal. coméis 'nakain kayo'), habang sa Espanyol ng Amerika Latina ay nakapaloob sa pormal na ikalawang katauhang pangmaramihan (hal. ustedes comen 'nakain po kayo'). Ibig sabihin, sa Amerika Latin ay hindi naka-panatili sa anyong pangmaramihan ang pagkakaibang pamilyar/pormal sa ikalawang katauhan.

Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Alvar, Manuel. 1996. Manual de dialectología hispánica. Ariel. ISBN 978-84-344-8218-0.
  • Batchelor, R[onald] E[rnest]; San José, Miguel Ángel (2010), A Reference Grammar of Spanish, Cambridge University Press, ISBN 978-0-521-42961-0
  • Butt, John; Benjamin, Carmen (2011), A New Reference Grammar of Modern Spanish (5th ed.), Hodder Education, ISBN 978-1-444-13769-9 External link in |title= (tulong)
  • DeBruyne, Jacques (1996), A Comprehensive Spanish Grammar, Wiley-Blackwell, ISBN 978-0-631-19087-5
  • Diccionario esencial Santillana de la lengua española. Editorial Santillana, 2001. ISBN 978-84-294-3415-6.
  • García, Érica; Otheguy, Ricardo (1977), "Dialectal Variation in leísmo: A Semantic Approach", sa Fashold, Ralph W.; Shuy, Roger W. (eds.), Studies in Language Variation: Semantics, Syntax, Phonology, Pragmatics, Social Situations, Ethnographic Approaches, Georgetown University Press, pp. 65–88, ISBN 0-87840-209-8
  • Gómez Torrego, Leonardo. 2006. Hablar y escribir correctamente: Gramática normativa del español actual. Arco Libros. ISBN 978-84-7635-653-1.
  • Pérez, Ángeles; Rafael Sala; and Manuel Santamarina. 1994. Cassell's Contemporary Spanish. MacMillan. ISBN 978-0-02-595915-6.
  1. Henry Kamen, Empire: how Spain became a world power, 1492-1763, 2002:3.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.