Pumunta sa nilalaman

Ballet

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Mananayaw ng ballet
Mananayaw ng ballet
Patungkol ito sa isang uri ng sayaw. Para sa lungsod sa Rusya, magpunta sa Baley.

Ang ballet (bigkas: /ba-ley/) o baley ay isang uri ng sayaw na itinatanghal na nagsimula sa mga korte ng Renasimyentong Italyano noong ika-15 dantaon. Umusbong ito upang maging isang anyo ng sayaw na pangkonsiyerto sa Pransiya at Rusya. Magmula noon, ito ay naging isang anyo ng sayaw na malaganap at mayroong mataas na teknikalidad, na nagkaroon ng sarili nitong talasalitaan. Naging pandaigdigan ang impluwensiya nito at nailarawan nito ang pansaligan o pundamental na mga teknikang ginagamit sa maraming iba pang mga henero o genre ng sayaw. Ito ay karaniwang sinasaliwan ng musikang pamballet.

Ang salitang ballet ay maaari ring tumukoy sa isang akdang sayaw na ballet, na binubuo ng koreograpiya at musika para sa isang produksiyon ng ballet. Ang isang kilalang-kilalang halimbawa nito ay ang The Nutcracker, isang ballet na mayroong dalawang akto (yugto) na orihinal na kinuryograpo nina Marius Petipa at Lev Ivanov na mayroong iskor ng musika ni Pyotr Ilyich Tchaikovsky.

Lumitaw at umunlad ang mga baryasyong pang-estiklo magmula noong Renasimyentong Italyano. Ang naunang mga baryasyon ay pangunahing may kaugnayan sa pinagmulang makaheograpiya. Ang mga halimbawa nito ay ang ballet na Ruso, ballet na Pranses, at ballet na Italyano. Ang nasa panghuling mga bersiyon ay kinabibilangan ng ballet na kontemporaryo at ballet na neoklasikal. Marahil ang pinaka malawakang nakikilala at itinatanghal na estilo ng ballet ay ang mas panghuling ballet na Romantiko (o Ballet Blanc), na isang estilong klasiko na nakatuon sa mga mananayaw na babae at nagtatampok ng tinatawag na akda o gawaing pointe, dumadaloy at tumpak na mga kilos na akrobatiko, at madalas na kumakatawan sa mga mananayaw na babaeng nakasuot ng tradisyunal, maiksi at puting mga tutung Pranses.

Pinagmulan ng salita

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang salitang ballet ay nagmula sa wikang Pranses at hiniram papunta sa wikang Ingles noong humigit-kumulang sa 1630. Ang salitang Pranses ay nagmula sa Italyanong balletto, na isang diminutibo ng ballo (sayaw). Nagmula naman sa Latin na ballo, ballare, na nangangahulugang "magsayaw" o "sumayaw",[1][2] na nagmula naman sa Griyegong "βαλλίζω" (ballizo), "sumayaw, tumalun-talon".[3][4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Chantrell (2002), p. 42.
  2. ballo, Charlton T. Lewis, Charles Short, A Latin Dictionary, na nasa Perseus
  3. βαλλίζω, Henry George Liddell, Robert Scott, A Greek-English Lexicon, na nasa Perseus
  4. ball (2), Online Etymology Dictionary

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]