Pumunta sa nilalaman

Bandyo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang bandyo na may apat na bagting.

Ang bandyo ay isang uri ng instrumentong pangtugtugin na may kwerdas o bagting. Unang tinugtog ang bandyo ng mga aliping Aprikano sa Estados Unidos noong ilang mga daang taon na ang nakalilipas. Nagmula ang ideya ng paglikha sa bandyo mula sa iba pang mga instrumentong pangmusikang Aprikano.[1] Pinaniniwalaang nagmula ang bandyo (Ingles: banjo) sa mbanza, isang salitang Kimbundu ngunit maaaring ring hango sa Senegambiyanong salita para sa kawayang patpat para sa leeg ng bandyo.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.