Pumunta sa nilalaman

Barbara Kim

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si Santa Barbara Kim (sirka 1804  – 27 Mayo 1839) ay isang Koreanang santa ng Simbahang Katoliko.[1]

Habang naghahanapbuhay bilang isang babaeng katulong, nais na ni Kim na maialay ang kanyang buhay ng pagiging birhen para sa paglilingkod sa Diyos ng mga Kristiyano. Subalit nilinlang siya ng kanyang ama kaya't nakapangasawa siya ng isang pagano (nagsinungaling ang ama ni Kim sa pamamagitan ng pagsasabing isang Katoliko ang lalaking mapapangasawa). Sinikap ni Kim na mahimok na maging Katoliko ang kanyang napangasawa, ngunit nabigo. Nagtagumpay siyang mabinyagan bilang Kristiyano ang isa sa kanyang mga anak.[1]

Nang mabalo si Kim sa maagang edad, lumapit siya sa mga misyonero upang makatanggap ng mga sakramento, na nag-udyok ng panibagong kasiglahan sa kanyang pagiging makapananampalataya.[1]

Noong Abril 1839, dinakip si Kim ng namumunong mga pagano sa Korea, noong panahon ng pag-uusig laban sa mga Katolikong Koreano. Dahil sa kanyang pagtangging iwaksi ang kanyang relihiyon, napasailalim si Kim sa paghihirap na ginamitan ng "pagbabaluktot ng mga buto". Dahil sa mga pagpalong tinanggap, nabali ang kanyang mga bisig.[1]

Namatay si Kim noong 1839, sa gulang na 34, dahil sa sakit na kolerang nakuha niya mula sa bilangguan.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 "Saint Barbara Kim". Magnificat, Tomo 11, Bilang 3. Magnificat USA LLC, Bagong York, ISBN 0843709227. 2009.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 373.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.