Pumunta sa nilalaman

Baryang isang-piso ng Pilipinas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang piso
Pilipinas
Halaga1.00 Piso ng Pilipinas
Timbang6 g
Diyametro23.00 mm
Kapal2.05 mm
GilidBahaging makinis at mala-tinubuan ng tambo
KomposisyonNikel na tinubog sa bakal
Taon ng paggawa1861–kasalukuyan
Obverse
Disenyopangalan ng republika sa wikang Tagalog, mukha ni José Rizal, taon ng paggawa, at marka ng barya
Petsa ng pagkadisenyo2017
Reverse
DisenyoWaling-waling, sagisag ng Bangko Sentral ng Pilipinas
Petsa ng pagkadisenyo2017

Ang baryang isang piso (₱1) ng Pilipinas ay ikaapat sa pinakamataas na denominasyon sa piso ng Pilipinas.

Inisyu mula noong 2018 ang kasalukuyang serye ng baryang iyon, na makikita sa harapan ang pambansang bayani ng Pilipinas na si José Rizal. Makikita naman sa likuran ang halamang waling-waling at ang kasalukuyang sagisag ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Bago noong 1861, inisyu ng Espanya at Amerikanong Espanya ang mga baryang dolyar ng Espanya o walong-reales na tinanggap dito sa Pilipinas. Inisyu noong taong 1861 ang gintong baryang 1-piso para sa Pilipinas na nagtitimbang na 1.69 gramo ng 87.5% purong ginto. Inisyu naman ang baryang pilak nito noong 1897 ang 1-pisong barya ng pilipinas na nagtitimbang ng 25.0 gramo ng 90% purong pilak.

1-pisong barya na inisyu noong 1907

Inisyu noong 1903 hanggang 1906 ang baryang 1-piso na nagkakahalaga ng kalahati ng dolyar ng Estados Unidos, na nagtitimbang ng 26.96 gramo ng 90% purong pilak. Pinaliit nito noong 1907 hanggang 1912 na nagtitimbang ng 20.0 gramo ng 80% purong pilak. Ginawa nang marami ang baryang iyon at itinabi sa mga bangko sa Pilipinas hanggang noong simula ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig kung saan tinapon sa Corregidor ang mga milyong-milyong piraso ng 1-pisong barya sa halip na ibigay ito sa mga Hapones.

Inisyu noong 1972 hanggang 1974 ang baryang 1-piso sa sirkulasyon, na naging pinakamataas na denominasyon sa seryeng iyon. Makikita sa baryang gawa sa nikel-tansong dilaw ang mukha ni José Rizal, ang manunulat at ang miyembro ng Kilusang Propaganta na ginawa ng pagbabago sa politika mula sa kolonya ng Espanya, na nakaharap sa kaliwa. Samantala makikita naman sa likuran ang taon kung kailan ginawa ang baryang iyon, ang salitang 'Republika ng Pilipinas' at ang opisyal na sagisag nito.

Ang pangalawang barya na may mukha ni Rizal ay inisyu noong 1975 hanggang 1983. Nilipat sa harapan ang pangalan ng Republika, at nakaharap na sa kaliwa si Luna. Makikita sa likuran ang nakaukit na 'Ang Bagong Lipunan' at ang dati nitong sagisag ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Inisyu noong taong 1979 hanggang 1982 ang mayroong marka sa barya nito.

Kulay-pilak ang kulay ng baryang inisyu mula noong 1983 hanggang 1994. Makikita muli sa harapan si Rizal at taon kung kailan ito ginawa. Samantala sa likuran naman, makikita naman ang hayop na tamaraw (Bubalus mindorensis) at ang denominasyon nito. Mula noong 1983 hanggang 1990, ito ay gawa sa tanso-nikel, may timbang na 9.5 gramo, at mala-tinubuan ng tambo ang gilid nito. Noong 1991 hanggang 1994, inisyu naman ang gawa sa hindi kinakalawang na bakal, may timbang na 4.0 gramo, at makinis ang gilid nito.

Inisyu noong 1995 hanggang 2003 ang gawa sa tanso-nikel, at noong 2003 hanggang 2017 ang gawa sa nikel na tinubog sa bakal, makikita muli si Rizal sa harapan, pangalan ng republika, taon kung kailan ito ginawa, at ang denominasyon nito. Makikita sa likuran ang buong larawan ng sagisag ng Bangko Sentral ng Pilipinas na ginawa noong 1993.

Simila noong Agosto 2006, kilala na bilang pagkalito ng baryang isang-dirham ng Nagkakaisang Emiradong Arabe ang baryang 1-piso ng Pilipinas dahil sa parehong laki nito.[1] Ginamit na ito sa panloloko sa makina ng paghulog ng barya sa Nagkakaisang Emiradong Arabe.

Inisyu mula noong 2018. Makikita sa harapan ang mukha ni Rizal, at ang halamang waling-waling at sagisag ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa likurang bahagi ng barya.

Seryeng Pilipino
(1972–1974)
Seryeng Ang Bagong Lipunan Series
(1975–1983)
Seryeng Flora at Fauna
(1983–1990, 1991–1994)
Seryeng BSP
(1995–2017)
Seryeng Seryeng Bagong Henerasyong Pananalapi
(2018–kasalukuyan)
Harapan
Likuran
Mga taon Komposisyon Timbang
(gramo)
1861-1865 Ginto 1.69
1903-1906 Pilak 26.96
1907-1912 Pilak 20
1972-1974 Nikel-tanso 16
1975-1990 Tanso-nikel 9.5
1991-1994 Hindi kinakalawang na bakal 4
1995-2003 Tanso-nikel 6.1
2004-2018 Nikel na tinubog sa bakal 5.35
2018-present Nikel na tinubog sa bakal 6

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Menon, Sunita (1 Agosto 2005). "Hey presto! A Peso's as good as a Dirham". gulfnews.com. Nakuha noong 6 Pebrero 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)