Tamaraw
Tamaraw | |
---|---|
Katayuan ng pagpapanatili | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Dominyo: | Eukaryota |
Kaharian: | Animalia |
Kalapian: | Chordata |
Hati: | Mammalia |
Orden: | Artiodactyla |
Pamilya: | Bovidae |
Subpamilya: | Bovinae |
Sari: | Bubalus |
Espesye: | B. mindorensis
|
Pangalang binomial | |
Bubalus mindorensis (Heude, 1888)
| |
Lugar na tinitirhan ay kulay luntian |
Ang tamaraw (Bubalus mindorensis; dating Anoa mindorensis) ay isang bovine (wangis-baka). Kabilang ang ungguladong mamalyang ito sa pamilyang Bovidae[1] na endemiko sa pulo ng Mindoro sa Pilipinas, bagaman pinaniniwalaan din na namuhay ito sa pulo ng Luzon. Unang natagpuan ang hayop na ito sa buong Mindoro, mula kapatagan hanggang sa kabundukan (2000 metro sa ibabaw ng antas ng dagat), ngunit dahil sa paglawak ng tirahan ng mga tao, pangangaso at pagtrotroso, iilan na lamang ang natira sa mga walang nakatira at madamong lugar, kaya kritikal na nanganganib na ngayon ito.[2]
Salungat sa karaniwang paniniwala at nakaraang klasipikasyon, hindi sub-uri ang tamaraw ng kalabaw, na mas malaki lamang ng kaunti. May mga ilang pagkakaiba ito sa kalabaw: ang tamaraw ay mas mabuhok ng kaunti, may mga maliwanag na marka sa kanyang mukha at may mas maikling mga sungay na hugis titik V.[3] Ito ang ikalawang pinakamalaking katutubong panlupang mamalya sa bansa pagkatapos ng kalabaw.
Tinuturing na pambansang simbolo ng Pilipinas ang tamaraw subalit hindi opisyal. Makikita ang larawan ng tamaraw sa mga baryang piso noong 1980 hanggang sa unang bahagi ng 1990.
Anatomiya at morpolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]May anyong pangkaraniwan sa pamilyang kinabibilangan nito ang Bubalus mindorensis. May siksik, mabigat na kayarian, wangis-bakang katawan, apat na mga hitang nagtatapos sa mga unguladong paa at isang maliit, nasusungayang ulo sa hangganan ng maliit na leeg. May maliit ito at masiksik kung ihahambing sa Asyatikong pantubig na kalabaw (Bubalus bubalis). Maliit lamang ang pagkakaroon ng dimorpismong sekswal sa uri bagaman naipahayag na may makakapal na mga leeg ang mga lalaki.[4] May karaniwang taas na 100 hanggang 105 sentimetro ang balikat ng tamaraw. 220 sentimetro ang haba ng katawan habang 60 sentimetro ang buntot. Nasa pagitan ng 200 hanggang 300 kilogramo ang timbang ng mga babae. May madilim na pagkakayumanggi hanggang abuhing kulay ang mga nasa hustong gulang na mga tamaraw at mas mabuhok kaysa Bubalus bubalis. Maiikli at matipuno ang mga paa. May makikitang mga mapuputing mga marka sa mga ungguladong paa at sa loob ng mga pang-ibabang binti. Katulad ng sa Anoa Bubalus depressicornis ang mga palatandaang ito. Magkatulad ng kulay ang mukha at katawan. Karamihan sa mga kasapi ng sari ang mayroon magkatambal na mga abuhing-puting guhit na nagsisimula mula sa panloob na sulok ng mata hanggang sa mga sungay. May maitim na balat ang ilong at mga labi. May habang 13.5 sentimetro ang mga tainga na may mapuputing marka sa mga loob. Kapwa nagkakaroon ng maiikling maiitim na mga sungay ang mga lalaki at babae, na sumusunod sa hugis ng titik na V, kung ikukumpara sa hugis C na mga sungay ng Bubalus bubalis. Mga lapad na kapatagan ang mga sungay at tatlusok ang hugis sa pinakapuno. Dahil sa palagian pagkiskis, may gasgas ang panlabas na anyo ang mga sungay ng tamaraw ngunit may magaspang na panloob na mga gilid. Sinasabing may habang mga 35.5 hanggang 51.0 sentimetro ang mga sungay.[5]
Pamamahagi
[baguhin | baguhin ang wikitext]Unang naitala ang tamaraw noong 1888 sa pulo ng Mindoro. Bago sumapit ang 1900, walang naninirahan sa Mindoro dahil sa malaria. Subalit nang malikha ang mga gamot laban sa malaria, mas maraming mga mamamayan ang nanirahan sa pulo. Lubhang nakapagpababa sa bilang ng mga tamaraw ang pagtaas na gawaing ito ng mga tao.
Pagdating ng 1966, naging tatlong pook na lamang ang nasasakupan ng tamaraw: Bundok Iglit, Bundok Calavite at iba pang mga lugar na malapit sa Pamayanang Penal ng Sablayon. Noong 2000, mas lalong nabawasan ang kanilang nasasakupan sa dalawang pook: ang mga Liwasang Pambansa ng Bundok Iglit-Baco at Aruyan.[6]
Noong mga unang panahon ng mga dekada ng 1900, nasa 10,000 mga indibidwal ang unang mga tayang bilang ng Bubalus mindorensis sa Mindoro. Makalipas ang may mga limampung taon pagkatapos, bumaba ang populasyon sa may mga sanlibong indibidwal. Noong 1953, kulang sa 250 mga hayop ang tinatayang nabubuhay pa.[7] Lumiit pa ang mga tayang bilang na ito hanggang sa paglalathala ng IUCN ng kanilang 1969 Red Data Book (Aklat ng Pulang Data ng 1969), kung saan itinala na ang bilang ng tamaraw sa nakababahalang bilang na mababa sa 100 mga ulo.[8] Tumaas ang bilang ng ulong ito sa 120 mga hayop noong 1975.[9] Nilalagay mula sa mga tatlumpo hanggang dalawandaang indibidwal ang kasalukuyang tayang bilang ng mga tamaraw na nasa kalikasan.[2]
Ekolohiya at kasaysayan ng buhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bilang isang bihira at endemikong mamalya na nasa isang pulong tila nahihiwalay at malayo, hindi gaanong malaki ang gawaing pagaaral at pagtatala hinggil sa ekolohiya ng tamaraw. Malaking dahilan nito ang katotohanang palatago at mahiyain sa tao ang mga indibidwal na kasapi ng uri. Bilang karagdagan, ang mga maliliit na bilang ng subpopulasyon ng uri, na manipis na ang pagkakakalat sa kabuoan ng nahahating mga nasasakupan (noong 1986, may natagpuang mga 51 indibidwal sa loob ng isang 20 kilometrong-parisukat na pook),[10] ang nakapagpapahirap at nakapagpapabihira pa sa maaaring pagkakatagpo ng higit man sa isang nag-iisang indibidwal.
Tirahan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ibig ng Bubalus mindorensis ang manirahan sa mga lugar na tropikal, mataas at magubat. Karaniwan itong matatagpuan sa mga makakapal na talahiban o palumpungan na malapit sa mga bukas ngunit nasisilungang mga damuhan kung saan maaari itong manginain ng damo. Dahil sa mga tirahan ng mga tao at ang mga sumusunod na mga hati-hating kagubatan sa kanilang tahanang pulo sa Mindoro, ang ginugustong tirahan ng tamaraw ay tila lumawak sa mga mas mababang kapatagang may damo. Sa loob ng kanilang bulubunduking kapaligiran, kadalasang matatagpuan ang mga tamaraw hindi malayo sa mga pinagkukunan ng tubig.[2][6]
Ekolohiya ng panginginain (ekolohiyang trophiko)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang tamaraw ay isang tagapanginain ng mga damo at mga murang usbong ng mga kawayan bagaman kilala ito bilang mahilig sa damong kogon at talahib (Saccharum spontaneum). Likas silang mga organismong diurnal, na nanginginain tuwing sa mga oras na may liwanag. Subalit, kamakailan lamang ang mga gawain ng mga tao ang nakapuwersa sa mga piling indibidwal na B. mindorensis na maging mga nokturnal upang maiwasan ang mga tao.[3]
Kasaysayan ng buhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nalalaman na ang tamaraw ay nabubuhay ng hanggang 300 araw lamang matapos ipagdalang-hayop sa loop ng sinapupunan.[11] Mayroong dalawang taong pagitan sa bawat pagluluwal bagaman napagmasdang ang isang babaeng tamaraw na may tatlong batang mga supling. Namumuhay na kasama ng kaniyang ina ang batang baka sa loob ng mga 2-4 taon at namumuhay nang mag-isa pagkatapos.[3]
Ekolohiya ng pag-uugali
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang tamaraw ay isang mapag-isang hayop at hindi tulad ng kalabaw. Ang mga matatandang miyembro ay hindi napapabilang sa mga malalaki o maliliit na grupo at nakikita lamang na mag-isa. Ang mga bata o juvenile lamang ang nagpapakita ng ugaling nakikita sa mga kalabaw tulad ng pagrugrupo at hiyararkiya.[12] Ang mga babae at lalaking tamaraw ay nagsasama sa buoung taon ngunit ang pagsasamang ito ay tumatagal lamang ng kaunting oras lamang. Maaring ang pag-iisang ito ay isang kasanayan na sa magubat nitong tahanan.[3] Ang mga matatandang lalaki ay mapg-isa at mukhang agresibo at ang mga babae naman ay maaring nagiisa, may kasamang lalaki o mayroong tatlong anak na magkakaiba ang edad.[10]
Mahilig magtampisaw ang tamaraw sa putik tulad ng ibang bovine. Sinasabing ang ugaling ito ay gingamit upang matanggal ang mga nangagagat na kulisap.[13]
Isa pang natatanging ugali ng B. mindorensis ay ang kanilang pagiging mabangis. May mga ulat ukol sa kanilang kabangisan lalo na pap pinuwersa sa isang sulok subalit hindi mapatunayan ang karamihan sa mga ito. Maraming makikitang palatandaan sa paghahanda ng tamaraw sa pag atake. Una dito ay ang pagbaba ng ulo at paglagay ng mga sungay sa isang nakatayong posisyon. Sinasamahan din ito ng pagwasiwas ng ulo.[5]
Kasaysayang pang-ebolusyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang presensiya ng B. mindorensis sa isla ng Mindoro, kasama ng pagkatuklas ng fossil na bubalid sa iba pang bahagi ng kapuluan ay nagsasabing ang pamilya ng tamaraw ay matatagpuan sa malaking bahagi ng Pilipinas noong sinaunang panahon.[14][15] Ang mga fossil na nakita noong ika-20 na siglo ay nagpapakita na ang B. mindorensis ay matatagpuan sa isla ng Luzon noong Panahon ng Pleistocene.[16]
Ang tamaraw, bilang miyembro ng pamilyang Bovidae, ay pinakamalapit sa wangis sa Bubalus bubalis at ito ay napatunayan na sa iba't ibang panahong nakalipas. Tinukoy rin ito bilang Anoa bubalis mindorensis, isang suburi ng B. bubalis (na tinawag ring Anoa bubalis).[17] Isang pag-aaral sa Henetiks ng iba pang miyembro ng pamilya ay nagpapalakas sa ideyang ito.[18]
Etimolohiya at kasaysayang pang-taksonomiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang tamaraw as dating tinawag na Anoa mindorensis ng Pranses na soologong si Pierre Marie Heude noong 1888. Tinawag rin itong Anoa bubalis mindorensis, suburi ng pantubig na buffalo Anoa bubalis noong 1958.[17] Ang tamaraw ay itinaas sa pagiging uri bilang Anoa mindorensis noong 1969.[19]
Ang mga karagdagang pag-aaral ay nagpakita na ang saring Anoa ay napapaloob sa saring Bubalus. Dahil dito ang paguuring pang-agham ng tamaraw ay napalitan ng Bubalus mindorensis (sometimes referred to as Bubalus (Bubalus) mindorensis).[20]
Ang pangngalang tamaraw ay may iba't ibang pagbigkas tulad ng tamarau, tamarou at tamarao. Sinasabi ring ang salitang tamaraw ay galing sa ugat na tamadaw na maaring isa pang pangalan para sa Banteng (Bos javanicus).[21]
Konserbasyon at pangangalaga
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang tamaraw ay nangaganib dahil sa endemiko at bihirang panlupang mammal ito. Sa ngayon, ito ay nakalista bilang labis na nanganganib na uri mula pa noong taong 2000 sa Pulang Listahan ng IUCN ng nangaganib na uri. Ang pagkakaalam ng konserbasyon ng pangagalaga ng Bubalus mindorensis ay nagmula pa noong 1965 kung saang inuri ito bilang Status inadequately known ng IUCN. May sapat na datos na tungkol sa dami ng tamaraw noong 1986.[22] Ang Sentro ng pagmanman ng konserbasyon ng IUCN ay nagsabi na ang uri ay labis na nanganganib. Nakita sa mga sumusunod na mga survey noong 1988,[23] 1990,[24] 1994[25] at 1996 na ang uri ay patuloy na nasa Pulang listahan ng mga uring nanganganib. Ang pagtala noong 1996 ay nakamit ang mga krayteryang B1+2c at D1 ng IUCN. Ang Krayteryang B1 ay nagsasabi na ang uri ay nakatira lamang sa isang lugar na mas maliit pa sa 500 sq. km. at makikita lamang sa mga lugar na hindi hihigit sa lima. Ang kapansinpansin sa pagbaba ng populasyon ay ang nagkamit sa sub-krayteryon na 2c, naipapakita rin ito ng nagiisang habitat ng population. Ang Krayteryon D1 ay nagsasabi na dapat ang populasyon ay mas mababa pa sa 250 na mga matatandang miyembro. Ang talaan ng dami ng populasyon ng B. mindorensis noong sinukat ito ay mas mababa kaysa ngayon.[26] Nilista na mas malubha na Krayterya na C1 ang tamaraw noong taong 2000. Ito ay dahil sa mga pagaaral na nagsasabing mas bababa pa sa 20% ang populasyon sa loob ng limang taon o kaya sa loob ng dalawang henerasyon.[2][27]
May maraming dahilan sa pagbaba ng populasyon ng tamaraw. Ang tamaraw ay napwepwersa ng mga gawain ng mga tao sa Mindoro sa loob ng siglong ito. Ang paglagay ng mga hindi native na mga baka noong dekada 30 ay nagdulot ng isang malubhang epidemiko ng rinderpest sa mga libo-libong tamaraw. Ang pangagaso ng mga tamaraw para sa pagkain ay nakabawas din ng dami nito. Subalit ang pinakamalubhang panganib sa buhay ng mga tamaraw ay ang pagkawala ng tirahan dahil sa pagtayo ng imprastraktura, pagtrotroso at agrikultura. Dahil sa mga ito, ang dami ng mga tamaraw ay bumaba mula libo-libo noong dekada ng 1900 hanggang s 300 na lang noong 2007.[2][3]
Maraming batas sa Pilipinas ang pinatupad at mga organisasyon ay ginawa upang tumulong sa konserbasyon ng mga uri. Ang Pagpapatupad Komonwelt bilang 73 noong 1936 ay pinatupad ng Komowelt ng Pilipinas. Ang akto ay nagbabawal sa pagpatay, pagsugat o pangagaso ng tamaraw maliban na lang kung inatake o dahil sa pang-agham na pagaaral. Ang parusa ay pagkakulong at pagbayad ng mabigat na multa.[28]
Noong 1979, may isang executive order ang pinirmahan upang makagawa ng isang komite para sa konserbasyon ng tamaraw. Ang tamaraw ay tinawag na "source of national pride" sa E.O.[29] Ang Proyekto sa Konserbasyon ng Tamaraw ay ginawa rin noong 1979. Ang Organisasyon ay napasilang ng tamaraw na tinatawag na Kali noong 1999.[3] Noong 2001, pinatupad ang Republic Act 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act na nagbabawal ng pagbenta at pangagaso ng mga tamaraw at iba pang mga edimikong uri.[30] Nagtayo ng isang gene pool noong dekada '70 upang maparami ang dami ng mga tamaraw. Sa ngayon ay si Kali at ang nanay nitong si "Mimi" na lamang ang natitira sa proyektong ito. Hindi na ito pinalawig pa ng dahil ang Protected Areas and Wildlife Bureau ay nagsasabing dumadami na ang mga tamaraws sa labas ng proyekto. Ang kloning ay gusto ring ipatupad ngunit ito ay pinigilan ng Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Kayamanan dahil bababa raw ang genetic diversity ng uring.[31]
Mayroong subpopulasyon ng mga tamaraw sa Mt. Iglit Game Refuge and Bird Sanctuary sa isla ng Mindoro.[12]
Noong Mayo 2007, ang Bubalus mindorensis ay nasa Appendix I na ng Convention on International Trade in Endangered Species kung saan ang uri ay nilista pa noong 7 Enero 1975. Sinasabi sa listahan na ang uri ay lubhang nanganganib at maari nang mawala. Dahil dito, ang internasyonal na pagbebenta ng bahagi ng tamaraw tulad ng karne at sungay ay ilegal na. Ang pangkalakalan (commercial) na pagbenta ay bawal ngunit ang paglipat na di-pangkalakalan (commercial) tulad ng pang-agham na pag-aaral ay hindi pinagbabawal.[32][33]
Kahalagahang pantao
[baguhin | baguhin ang wikitext]Halaga sa kabuhayan at komersyalismo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang tamaraw ay hindi masyadong sinasamantala tulad ng ibang mga malalaki at nanganganib na mga mammal, subalit ang mga tamaraw sa Mindoro ay hinuhuli sa pangagaso bago pa nagkaroon ng konserbasyon ng tirahan nito sa huling limang dekada ng ika-20 na siglo. Ang B. mindorensis ay hinuhuli dahil sa karne ito. Sinasab ng IUCN na tuloy pa rin ang pangangaso ayon sa Ulat ng Pulang Listahan noong taong 2006.[2]
Sa kalinangan ng Pilipinas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang kalabaw ay ang pambansang hayop ng Pilipinas,[34] ngunit sinasabi ring ang tamaraw ay isang pambansang simbolo din ng Pilipinas. Ang tamaraw ay makikita sa isang piso noong dekada '80 at dekada '90.[35]
Noong 2004, ginawa ng Proklamasyon Blg. 692 ang Oktubre 1 bilang isang pistang-opisyal na may trabaho sa probinsiya ng Occidental Mindoro. Ito ay kasama ng Buwan ng konserbasyon ng Tamaraw at nagpapaalala sa mga tao ng Mindoro ng kahalagahan ng pagpapanatili ng mga tamaraw at ang tirahan nito.[36]
Noong dekada '70, ang Toyota Motors, sa pamamagitan ng Delta Motors na sarado na ngayon, ay gumawa ng Tamaraw AUV (Asian Utility Vehicle). Dahil sa tibay at simple nitong dibuho ay may natitira pang ganito hanggang ngayon. Kinopya rin ito ng iba pang mga kompanya tulad ng Ford, General Motors, sa pamamagitan ng Francisco Motors; at Nissan, sa pamamagitan ng Universal Motors. Dahil sa AUV ito ng Toyota, ang dibuho nito ay nahahawig sa Toyota Kijang ng Indonesia. Ang Toyota ay may pangkat ng manlalaro ng basketball sa Philippine Basketball Association bilang Toyota Tamaraws.
Ang AUV ay naging tanyang noong dekada '90 at pinalabas ng Toyota ang Tamaraw FX sa Pilipinas. Ginagamit ito ngayon ng mga driber ng taxi. Ang FX ngayon ay naging Revo.
Ang tamaraw ay mascot ng mga varsity teams ng Far Eastern University (FEU Tamaraws) sa University Athletic Association of the Philippines, at ng Toyota Tamaraws ng Philippine Basketball Association.
Ang Talon ng Tamaraw (Tamaraw Falls) sa Barangay Villaflor, Puerto Galera ay pinangalang sa tamaraw.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Bubalus mindorensis". Integrated Taxonomic Information System. 17 Marso 2007.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 IUCN2006
- ↑ 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 3.5 Fuentes, Art (2005-02-21). "The Tamaraw: Mindoro's endangered treasure". Haribon. Haribon Foundation for the Conservation of Natural Resources. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-09-27. Nakuha noong 2007-03-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Tamaraw bubalus mindorensis Heude, 1888". wildcattleconservation.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-10-08. Nakuha noong 2007-07-12.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 5.0 5.1 Huffman, Brent (2 Enero 2007). "Bubalus mindorensis: Tamaraw" (html). www.ultimateungulate.com. Ultimate Ungulate.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Pebrero 2007. Nakuha noong 17 Marso 2007.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 6.0 6.1 Massicot, Paul (5 Marso 2005). "Impormasyon ng Hayop - Tamaraw" (htm). Animal Info. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Marso 2007. Nakuha noong 18 Marso 2007.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kuehn, David W. (1977). "Increase in the tamaraw". Oryx. 13: 453 pp. ISSN: 0030-6053 / EISSN: 1365-3008.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ International Union for the Conservation of Nature and Natural Resources (1969). 1969 IUCN 1969 Red Data Book. Vol. 1 - Mammalia. Morges, Switzerland: IUCN.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Major effort to save the tamaraw". Oryx. 23: 126 pp. 1989. ISSN: 0030-6053 / EISSN: 1365-3008.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 10.0 10.1 Nowak, Ronald M. (1999). Walker's Mammals of the World. JHU Press. p. 1149. ISBN 0801857899.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ageing, longevity, and life history of Bubalus mindorensis Naka-arkibo 2010-02-12 sa Wayback Machine.. Tiningnan noong 5 Marso 2007
- ↑ 12.0 12.1 Kuehn, David W. (Setyembre 1986). "Population and Social Characteristics of the Tamarao (Bubalus mindorensis)". Biotropic. 18 (3): 263–266. doi:10.2307/2388495. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-09-05. Nakuha noong 2007-03-17.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ McMillan, Brock R.; Michael R. Cottam, Donald W. Kaufman (Hulyo 2000). "Wallowing Behavior of American Bison (Bos bison) in Tallgrass Prairie: An Examination of Alternate Explanations". American Midland Naturalist. The University of Notre Dame. 144 (1): 159–167. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-09-05. Nakuha noong 2007-03-17.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Croft, Darin A.; Lawrence R. Heaney; John J. Flynn; Angel P. Bautista (2006-03-08). "Fossil remains of a new, diminutive Bubalus (Artiodactyla: Bovidae: Bovini) from Cebu island, Philippines". Journal of Mammalogy. American Society of Mammalogists. 87 (5): 1037. doi:10.1644/06-MAMM-A-018R.1. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-09-05. Nakuha noong 2007-03-17.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Burton, J. A.; S. Hedges, A. H. Mustari (2005). "The taxonomic status, distribution and conservation of the lowland anoa Bubalus depressicornis and mountain anoa Bubalus quarlesi". Mammal Review. 35 (1): 25–50. doi:10.1111/j.1365-2907.2005.00048.x. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-09-05. Nakuha noong 2007-03-17.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Beyer, H. O. (1957). "New finds of fossil mammals from the Pleistocene strata of the Philippines". Bulletin of the National Research Council of the Philippines. National Research Council of the Philippines. 41: 220–238.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 17.0 17.1 Bohlken, H. (1958). "Vergleichende Untersuchungen an Wildrinden (Tribus Bovini Simpson, 1945)". Zoologische Jahrb cher (Physiologie). 68: 113–202.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Wall, David A.; Scott K. Davis, Bruce M. Read (Mayo 1992). "Phylogenetic Relationships in the Subfamily Bovinae (Mammalia: Artiodactyla) Based on Ribosomal DNA". Journal of Mammalogy. American Society of Mammalogists. 73 (2): 262–275. doi:10.2307/1382056. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-09-05. Nakuha noong 2007-03-17.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Groves, C. P. (1969). "Systematics of the anoa (Mammalia, Bovidae)". Beaufortia. 223: 1–12.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Bubalus mindorensis". Mammal Species of the World (MSW). Smithsonian National Museum of Natural History. 1993. Inarkibo mula sa orihinal noong 1996-10-19. Nakuha noong 2007-03-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Blust, Robert (2005). "The History of Faunal Terms in Austronesian Languages" (PDF). Oceanic Linguistics. 41: 89–140. Nakuha noong 2007-03-19.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ IUCN Conservation Monitoring Centre (1986). 1986 IUCN Red List of Threatened Animals. Gland, Switzerland and Cambridge, UK.: IUCN.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ IUCN Conservation Monitoring Centre (1988). 1988 IUCN Red List of Threatened Animals. Gland, Switzerland and Cambridge, UK.: IUCN.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ IUCN (1990). 1990 IUCN Red List of Threatened Animals. Gland, Switzerland: IUCN.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Groombridge, B. (1994). 1994 IUCN Red List of Threatened Animals. Gland, Switzerland: IUCN.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Groombridge, B.; Baillie, J. (1996). 1996 IUCN Red List of Threatened Animals. Gland, Switzerland: IUCN.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Hilton-Taylor, C. (2000). 2000 IUCN Red List of Threatened Species. Gland, Switzerland and Cambridge, UK.: IUCN.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "An act to prohibiting the killing, hunting, wounding or taking away of Bubalus mindorensis, commonly known as tamaraw" (html). Commonwealth Act No. 73. National Assembly of the Philippines. 1936-10-23. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-06-26. Nakuha noong 2007-03-18.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Marcos, Ferdinand E. (1979-07-09). "Creating a presidential committee for the conservation of the tamaraw, defining its powers and for other purposes" (html). Executive Order No. 544. Republic of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-09-29. Nakuha noong 2007-03-18.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "REPUBLIC ACT NO. 9147" (htm). Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-04-25. Nakuha noong 2007-03-05.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Philippines : Endangered Tamaraws breed in the wilds again". Inarkibo mula sa orihinal (html) noong 2012-03-18. Nakuha noong 2007-03-08.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ CITES (2007-05-03). "Appendices" (shtml). Convention on International Trade in Endangered Species of Wild Flora and Fauna. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-05-19. Nakuha noong 2007-08-03.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ UNEP-WCMC. "Bubalus mindorensis". UNEP-WCMC Species Database: CITES-Listed Species. United Nations Environment Programme - World Conservation Monitoring Centre. A-119.009.004.003. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-09-30. Nakuha noong 2007-08-03.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Philippines Independence Day Celebrations". National Symbol. 123independenceday.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-04-03. Nakuha noong 2007-03-29.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Breithaupt, Jan (2003-04-29). "Bubalus mindorensis, Philippines". EcoPort Picture Databank. EcoPort. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-10-17. Nakuha noong 2007-03-29.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Proclamation No. 692" (Nilabas sa mamamahayag). Government of the Republic of the Philippines. 2004-08-13. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-08-03. Nakuha noong 2007-07-28.
{{cite nilabas sa mamamhayag}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Bibliyograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]- "Bubalus mindorensis". Integrated Taxonomic Information System. 17 Marso 2007.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Callo, R. A. (1991). "The tamaraw population: decreasing or increasing?". Canopy International. 16 (4): 4–9.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Custodio, Carlo C.; Myrissa V. Lepiten, Lawrence R. Heaney (1996-05-17). "Bubalus mindorensis". Mammalian Species. 520: 1–5. doi:10.2307/3504276.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Gesch, P. (2004). "Bubalus mindorensis" (html). Animal Diversity Web. University of Michigan Museum of Zoology. Nakuha noong 2007-03-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Heaney, L. R.; J. C. Regalado, Jr. (1998). Vanishing treasures of the Philippine rain forest. Chicago, Illinois: Field Museum, Chicago.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Momongan, V. G.; G. I. Walde (1993). "Behavior of the endangered tamaraw (Bubalus mindorensis huede) in captivity". Asia Life Sciences. 2 (2): 241–350.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)