Bison
Bison | |
---|---|
Amerikanong Bison (Bison bison) | |
Europeong bison/wisent (Bison bonasus) | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Dominyo: | Eukaryota |
Kaharian: | Animalia |
Kalapian: | Chordata |
Hati: | Mammalia |
Orden: | Artiodactyla |
Pamilya: | Bovidae |
Subpamilya: | Bovinae |
Subtribo: | Bovina |
Sari: | Bison Hamilton Smith, 1827 |
Mga uri | |
†B. antiquus |
- Huwag itong ikalito sa mga haliging pusang bisong amerikano, bisong europeo, at bisong marino. Pumunta rin sa bison (paglilinaw).
Ang mga bison (mula sa kastila bisonte) ay isang pangkat ng malalaking mga ungguladong mamalyang may magkakapantay na bilang ng mga daliri sa paa. Binubuo nila ang saring Bison ng subpamilya o kabahaging mag-anak na Bovinae at ng pamilya o mag-anak na Bovidae. Kahawig sila ng baka at bupalo.[1]
Sa taksonomiya, naglalaman ang kapangkatan nito ng anim na mga uri, na kinabibilangan ng dalawang umiiral pa sa kasalukuyan: ang Amerikanong bison ng kapatagan (B. bison bison) at ang Amerikanong bisong kahoy (B. bison athabascae), na kapwa mga sub-uri o kabahaging uring matatagpuan sa Hilagang Amerika; at ang Europeanong bison o wisent (B. bonasus) na matatagpuan sa Europa at sa Caucasus.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.