Ekstinsiyon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Extinction)
Jump to navigation Jump to search
Mga kalansay ng mga iba ibang dinosaur na pinakasikat na pangkat ng hayop na naging ekstinto.
Ang Dodo ng Mauritius na ipinapakita sa isang 1626 ilustrasyon ni Roelant Savery ay kadalasang binabanggit na halimbaw ng modernong ekstinsiyon.[1]

Sa biyolohiya at ekolohiya, ang ekstinsyon (mula sa Espnayol na extinción) ang wakas ng isang organismo o isang pangkat ng mga organismo(taxon) na normal na isang species. Ang sandali ng ekstinsiyon ay itinuturing na kamatayan ng huling indibidwal ng species bagaman ang kakayahan na magparawi at makaahon ay nawala na bago pa ang puntong ito. Dahil ang potensiyal na saklaw ng mga species ay maaaring napakalaki, ang pagtukoy sa sandaling ito ay mahirap at karaniwang isinasagawa ng retrospektibo. Ang kahirapang ito ay humahantong sa phenomena gaya ng Lazarus taxa kung saan ang isang species na ipinagpalagay na namatay ay biglaang "muling lumitaw"(tipikal sa fossil record) pagkatapos ng isang maliwanag na kawalan nito. Sa pamamagitan ng ebolusyon, ang bagong species ay lumilitaw sa pamamagitan ng proseso ng speciation kung saan ang mga bagong uri ng mga organismo ay lumilitaw at yumayabong kapag nagawa nilang mahanap at magamit ang isang ekolohikal na niche. Ang isang species ay nagiging ekstinto kapag hindi na sila makapagpatuloy na mabuhay sa mga nagbabagong kondisyon o laban sa superyor na kompetisyon. Ang isang tipikal na species ay nagiging ekstinto sa loob ng 10 milyong taon pagkatapos ng unang paglitaw nito [2] bagaman ang ilang mga species na tinatawag na mga buhay na fossil ay patuloy na nabubuhay ng halos walang mga pagbabago sa morpolohiya sa loob ng mga daan daang milyong mga taon. Ang karamihan ng mga ekstinsiyon ay nangyari ng natural bago ang paglitaw ng Homo sapiens sa mundo. Tinatayang ang 99.9% ng lahat ng species na umiral ay ekstinto na ngayon..[2][3] Ang mga mga ekstinsiyong pangmasa ay relatibong mga bihirang pangyayari. Gayunpaman, ang mga hiwalay na ekstinsiyon ay napakakaraniwan. Sa kamakailan lamang na ang mga ekstinsiyon ay naitala at ang mga siyentipiko ay naalarma sa mataas na rate ng mga kamakailang ekstinsiyon.[4] Most species that become extinct are never scientifically documented. Some scientists estimate that up to half of presently existing species may become extinct by 2100.[5]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Diamond, Jared (1999). "Up to the Starting Line". Guns, Germs, and Steel. W. W. Norton. mga pa. 43–44. ISBN 0-393-31755-2.
  2. 2.0 2.1 Newman, Mark. "A Mathematical Model for Mass Extinction". Cornell University. May 20, 1994. Retrieved July 30, 2006.
  3. Raup, David M. Extinction: Bad Genes or Bad Luck? W.W. Norton and Company. New York. 1991. pp. 3–6, ISBN 978-0-393-30927-0
  4. Species disappearing at an alarming rate, report says. MSNBC. Retrieved July 26, 2006.
  5. Wilson, E.O., The Future of Life (2002) (ISBN 0-679-76811-4). See also: Leakey, Richard, The Sixth Extinction : Patterns of Life and the Future of Humankind, ISBN 0-385-46809-1