Batas ni Gauss
Itsura
Sa pisika, ang batas ni Gauss na kilala rin bilang Gauss's flux theorem ang batas na naguugnay ng distribusyon ng kargang elektriko sa nagreresultang elektrikong field. Ito ay nagsasaad na: ang net na panlabas na normal na electric flux sa anumang saradong ibabaw ay proporsiyonal sa kabuuang kargang elektrikong nakasara sa loob ng nakasarang ibabaw na ito. Ito ay binuo ni Carl Friedrich Gauss noong 1835 ngunit hindi inilimbag hanggang noong 1867. Ito ay isa sa mga ekwasyon ni Maxwell na saligan ng klasikong elektrodinamiko. Ito ay maaaring gamitin upang hanguin ang batas ni Coulomb at vice versa.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.