Pumunta sa nilalaman

Batman v Superman: Dawn of Justice

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Batman v Superman: Dawn of Justice
DirektorZack Snyder
Prinodyus
  • Charles Roven
  • Deborah Snyder
Sumulat
  • Chris Terrio
  • David S. Goyer
Itinatampok sina
Musika
  • Hans Zimmer
  • Junkie XL
SinematograpiyaLarry Fong
In-edit niDavid Brenner
TagapamahagiWarner Bros. Pictures
Inilabas noong
19 Marso 2016
(Lungsod ng Mehiko)
25 Marso 2016
(United Kingdom at
Estados Unidos)
26 Marso 2016
(Pilipinas)
Haba
151 minuto[1]
BansaEstados Unidos
WikaIngles
Badyet$250 milyon[2][3]
Kita$873.6 milyon[1]

Ang Batman v Superman: Dawn of Justice ay isang pelikula na hinango sa karakter ng DC Comics na si Batman at Superman na ipinalabas noong 2016. Mula sa direksyon ni Zack Snyder, ang Batman v Superman ay ang ikalawang pelikula ng DC Extended Universe (DCEU) at ang kasunod ng pelikulang Man of Steel. Ito ay isinulat ni Chris Terrio at David S. Goyer, at pinagbibidahan nina Ben Affleck, Henry Cavill, Amy Adams, Jesse Eisenberg, Diane Lane, Laurence Fishburne, Jeremy Irons, Holly Hunter at Gal Gadot. Ito rin ang kauna-unahang pelikula na pinagtagpo sina Batman at si Superman, pati na rin ang kauna-unahang paglabas ni Wonder Woman. Sa pelikula, tinangkang manipulahin ni Lex Luthor (Eisenberg) si Batman (Affleck) upang kalabanin si Superman (Cavill).

Makalipas ang labing-walong buwan matapos maglaban nina Superman at Heneral Zod sa Metropolis,[N 1] naging kontrobersyal si Superman. Ang bilyonaryong si Bruce Wayne, na kumikilos ng patago sa Lungsod Gotham bilang si Batman sa loob ng dalawampung taon, ay nakikita si Superman bilang banta sa sangkatauhan. Nang malaman ni Clark Kent (ang sibilyan na pagkakakilanlan kay Superman) ang mga ginagawa ni Batman, tinangka niya itong ilantad sa pamamagitan ng pagsusulat ng mga artikulo sa Daily Planet. Nalaman ni Wayne na ang Rusong si Anatoli Knyazev ay nakikipag-ugnayan sa mogol ng LexCorp na si Lex Luthor. Samantala, si Luthor naman ay nabigong hikayatin si Senador June Fitch para payagan ang kanyang kumpanya na mag-angkat ng mga kryptonite na nakuha sa Karagatang Indiyano matapos ang pagtatangkang pananakop ni Heneral Zod. Nangangatuwiran si Luthor na gagamitin niya ito bilang "pagpigil" laban sa mga nagbabadyang banta mula sa mga Kryptonian at iba pang metahumans. Gumawa siya ng ibang paraan gamit ang mga tao na nasa ilalim ni Senador Finch at nakagawa ng daan upang makuha ang bangkay ni Zod at makapasok sa isang sasakyang pang-Kryptonian.

Dumalo si Bruce sa isang pagdiriwang sa LexCorp at nagnakaw ng impormasyon mula sa kumpanya, ngunit ito ay kinuha mula sa kanya ng negosyante ng mga antigong bagay na si Diana Prince; isinauli niya ito kay Bruce nung hindi niya mabuksan ang nilalaman na impormasyon. Habang dinedekrip ni Bruce ang impormasyon, nanaginip siya ng isang mundong malapit nang magunaw kung saan pinangungunahan niya ang mga rebelde laban sa isang masamang Superman. Siya'y nagising mula sa kanyang panaginip nang isang hindi kilalang tao, na nagmula sa isang di-makamundong lagusan, na binabalahan siya tungkol sa mahalagang gagampanan ni Lois Lane sa hinaharap, at hinikayat siyang hanapin ang "iba pa" bago maglaho.[N 2]

  1. Itinampok sa pelikulang Man of Steel (2017)
  2. Hindi man nabanggit sa pelikula ang pagkakakilanlan ng misteryosong lalaki na nagbabala kay Bruce o kung saan man siya galing, kinumpirma ng produser na si Deborah Snyder na siya ay si Flash, na ginagampanan ni Ezra Miller. Siya ay naglakbay pabalik sa oras. Sa kredito, kinilalang si The Flash si Miller sa Ultimate Edition ng pelikula.[4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 "Batman v Superman: Dawn of Justice (2016)". Box Office Mojo. Nakuha noong Disyembre 20, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. McClintock, Pamela (27 Marso 2016). "'Batman v Superman': Inside Warner Bros.' Massive Marketing That Led to a Record Opening". The Hollywood Reporter. Nakuha noong 7 Abril 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. FilmL.A. (Hunyo 2017). "2016 Feature Film Study" (PDF). p. Page 23. Nakuha noong 8 Mayo 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Chitwood, Adam (28 Marso 2016). "Exclusive: Deborah Snyder on The Flash 'Batman v Superman' Cameo, 'Wonder Woman' Connection". Collider. Nakuha noong 8 Disyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawil panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]