Labanan sa Look ng Maynila
Ang Labanan sa Look ng Maynila (ingles: Battle of Manila Bay) ay isang mahalagang pangyayari ang tuluyang nagpasimula sa Digmaang Espanyol–Amerikano. Ito ay ang pasabugin ang barkong Maine ng Estados Unidos, sa baybayin ng Havana sa Cuba, noong Pebrero 15, 1898. Ikinamatay ito ng higit kumulang 246 na katao. Bagama't walang batayan, isinisi ng EUA sa Spain ang insidente at naghudyat sa pormal na pagpapahayag ng pakikidigma ng EUA sa Spain noong Abril 25, 1898.
Sa utos ni Kalihim John D. Long ng EUA, naglayag ang gumbo ni Commodore George Dewey, mula Mirs Bay malapit sa Hong Kong, patungong Pilipinas. Gamit ang Battle cry "Remember the Maine" ginapi ng mga Ito ang Hukbong pandagat ng mga Espanyol sa ilalalim ni Admiral Patricio Montojo sa Look ng Maynila noong Mayo 1, 1898.
Pagpapatuloy ng Laban
[baguhin | baguhin ang wikitext]Matapos mapagwagian ni Dewey ang Battle of Manila Bay, bumalik si Emilio Aguinaldo sa Pilipinas noong Mayo 19, 1898[1] upang muling pamunuan ang himagsikan laban sa mga Espanyol. Gamit ang perang natanggap mula sa kasunduan, bumili si Emilio Aguinaldo ng mga armas at bala para pagpatuloy ang laban.
Mainit ang naging pagsuporta ng mga Pilipino sa pagbabalik ni Emilio Aguinaldo. Maraming mga rebolusyonaryo ang nagtungo sa kaniya upang manumpa ng katapatan sa kilusan. Maraming Pilipinong sundalong nanungkulan sa Hukbong Espanyol din ang nanumbalik sa panig ng mga rebolusyonaryo.
Mayo 24,nang itatag niya ang isang pamahalaang diktatoryal upang pamunuan ang mga Pilipinong Rebolusyonaryo. Nilayon niyang maging pansamantala lamang ang pamahalaang ito hanggang sa makamit ng Pilipinas ang kalayaan ng Espanya.
Sa katapusan ng Hunyo 1898, nadakip ng pangkat ni Emilio Aguinaldo ang higit kumulang 5000 espanyol at nabawi ang halos kabuoan ng Luzon maliban ang daungan ng Cavite at Maynila.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Thurber, Dani. "Research Guides: World of 1898: International Perspectives on the Spanish American War: Emilio Aguinaldo y Famy". guides.loc.gov (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-09-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)