Pumunta sa nilalaman

Panggugulayin

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Begetariyano)
Panggugulayin
PaglalarawanDiyetang hinango mula sa halaman, na may itlog at deyri o wala

Ang pangugulayin o behetaryanismo ay ang paniniwala na makabubuti sa kalusugan at nakapagpapahaba ng buhay ang gawaing pagkain ng maraming gulay at pag-iwas sa pagkain ng lahat ng uri karne.[1]

Hindi iminumungkahi ang mahigpit na pagkaing manggugulayin dahil sa pagkakaroon ng kakulangan sa sapat na protina. Hindi naglalaman ang diyetang ito ng protinang kailangan ng katawan upang makabuo ng mga asidong amino. May mga tagapagsuring nakapagtugaygay at nakapagsaliksik na nakasasanhi ng kapansanan sa pag-iisip ang ganitong kakulangan ng protina sa pagkain at katawan. Isang lunas sa ganitong kakulangan ang pagdaragdag ng pagkain ng mga itlog at gatas, bagaman mayroon itong isang puna: na ang pagkain ay mabigat kaya't nakapagsasanhi ng pagkabanat o distensyon ng tiyan, bituka, at sikmura sa ilang mga tao. Ang kainaman ng pagkaing manggugulayin na may itlog at karne ay nakabubuti sa mga taong may palagian o matagalang pananakit ng ulo, mga taong matataba, mga taong tibi, mga taong may piyo, at mga taong may paulit-ulit na mga kapansanan o kapinsalaan sa balat. Ngunit sa bandang huli, ang talagang huwarang pagkain para sa isang karaniwang tao ay ang mga lutuing pantay at sapat ang nilalamang pagkaing mula sa hayop at halaman.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Gaboy, Luciano L. Vegetarianism, behetaryanismo - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. Robinson, Victor, pat. (1939). "Vegetarianism". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York).{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 752.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.