Pumunta sa nilalaman

Begonia elnidoensis

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Begonia elnidoensis
Klasipikasyong pang-agham edit
Kaharian: Plantae
Klado: Tracheophytes
Klado: Angiosperms
Klado: Eudicots
Klado: Rosids
Orden: Cucurbitales
Pamilya: Begoniaceae
Sari: Begonia
Espesye:
B. elnidoensis
Pangalang binomial
Begonia elnidoensis
C.I Peng & Rubite & C.W.Lin

Ang Begonia elnidoensis ay isang endemikong espesye ng Begonia na natuklasan sa El Nido, Palawan, Pilipinas.[1][2] Ang espesye na ito ay inihambing sa Begonia wadei, dahil ang parehong mga espesye ay may makapal na tangkay, ngunit naiiba ito sa malawak hanggang sa napakalawak na hugis-itlog (very widely ovate) o may pagkatatsulok (subtriangular) na mga dahon, samantalang ang huli ay mayroong paiwasay na hugis-itlog (obliquely ovate) na mga dahon; 3-4 na pangalawang ugat ng dahon samantalang ang huli ay may 6 sa bawat gilid ng guluguran-dahon (midrib), walang buhok na mga tangkay-dahon kumpara sa huli na may puberulous hanggang tomentose, tangkay ng bulaklak na may sukat na 20–40 sentimetro ang haba kumpara sa 6–20 sentimetro lamang , at ang iba't ibang laki ng mga bract at kapsula .

Ang tangkay ng bulaklak ng Begonia elnidoensis

Ang partikular na pangalan na elnidoensis ay nagmula sa El Nido, Palawan kung saan unang natuklasan ang espesye.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Hughes, Mark; Peng, Ching-I; Lin, Che-Wei; Rubite, Rosario Rivera; Blanc, Patrick; Chung, Kuo-Fang (2018). "Chloroplast and nuclear DNA exchanges among Begonia sect. Baryandra species (Begoniaceae) from Palawan Island, Philippines, and descriptions of five new species". PLOS ONE (sa wikang Ingles). 13 (5): e0194877. Bibcode:2018PLoSO..1394877H. doi:10.1371/journal.pone.0194877. PMC 5931476. PMID 29718922.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "New Plant Species Discovered In The Philippines". Manila Bulletin Lifestyle (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Agosto 2019. Nakuha noong 19 Agosto 2019.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]