Pumunta sa nilalaman

Papa Benedicto IX

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Benedicto IX)
Benedict IX
Nagsimula ang pagka-PapaOctober 1032 (first term)
Nagtapos ang pagka-PapaJuly 1048 (third term)
HinalinhanJohn XIX
Sylvester III
Clement II
KahaliliSylvester III
Gregory VI
Damasus II
Mga detalyeng personal
Pangalan sa kapanganakanTheophylactus of Tusculum
Kapanganakanc. 1012
Rome, Papal States, Holy Roman Empire
Yumaoc. December 1055/January 1056 (age 43)
Grottaferrata, Papal States, Holy Roman Empire
Iba pang mga Papa na mayroon ding pangalan na Benedict
Pampapang styles ni
Papa Benedicto IX
Sangguniang estiloHis Holiness
Estilo ng pananalitaYour Holiness
Estilo ng relihiyosoHoly Father
Estilo ng pumanawnone

Si Papa Benedicto IX (c. 1012 – c. 1056) na ipinanganak sa Roma bilang Theophylactus of Tusculum ang papa ng Simbahang Katoliko Romano sa tatlong mga okasyon sa pagitan ng 1032 at 1048.[1] Siya ang isa sa pinakabatang mga papa ng Simbahang Katoliko Romano at ang tanging naging papa sa higit sa isang okasyon at ang tanging papa na kailanman ay nagbenta ng kapapahan. Siya ang anak ni Alberic III na Konde ng Tusculum at pamangkin ni Papa Benedicto VIII at Papa Juan XIX. Kinamit ng kanyang ama ang upuan ng papa para sa kanya na ipinagkaloob sa kanya noong Oktubre 1032. Ayon sa ilang mga sanggunian, si Benedicto IX ay mga 18 o 20 taong gulang nang gawing papa bagaman ang ilang mga sanggunian ay nag-aangkin na siya ay 11 o 12 taong gulang nang gawing papa.[2] Siya ay iniulat na namuhay ng labis na imoral na buhay at may kaunting mga kwalipikasyon para sa kapapahan maliban sa mga koneksiyon sa kanyang makapangyarihan sa lipunang pamilya. Siy aay inilarawan in Pietro Damiani na "nagpipista sa imoralidad". Ang historyan na si Ferdinand Gregorovius ay naglarawan sa kanyang "isang demonyo mula sa imperyno sa pagbabalat kayo ng isang pari...na lumuklok sa upuan ni Pedro at nilapastangan ang mga sagradong misteryo ng relihiyo sa pamamagitan ng kanyang mga walang galang na mga kurso." Siya ay tinawag ng enskiklopedyang katoliko na "isang kahihiyan sa Upuan ni Pedro". Siya ang unang papa na sinasabing pangunahing homoseksuwal[3] at sinasabing nagsagawa ng mga orgiya sa palasyong Laterano. Siya rin ay inakusahan ng Obispong Benno ng Piacenza ng "maraming mga karima-rimarim na mga pangangalunya at mga pagpatay".[4] Tinukoy ni Papa Victor III sa kanyang aklat tungkol kay Benedict IX ang "kanyang mga panggagahasa, pagpatay at ibang mga hindi masasalitang mga gawa. Ang kanyang buhay bilang isang papa ay labis na karima-rimarin, napakasama na ako ay nanginginig na maisip ito."[5]

Siya ay sa maikling panahong pinatalsik sa Roma noong 1036 ngunit bumalik sa tulong ni Conrad II, Banal na Emperador Romano. Noong Setyembre 1044, ang oposisyon ay pumwersa sa kanyagn patalsikin sa siyudad at inihalal si Juan na obispo ng Sabina bilang Papa Sylvester III. Ang mga pwersa ni Benedicto IX ay bumalik noong Abril 1045 at pinatalsik ang kanyang katunggali na gayunpaman ay nag-angkin sa kapapahan sa maraming mga taon. Noong Mayo 1045, si Benedicto IX ay nagbitiw sa opisina ng kapapahan upang ipursigi ang pagpapakasal, pagbebenta ng opisina ng papa sa kanyang ninong na si Juan Gratian na nagpangalan sa kanyang sariling Papa Gregoryo VI. Sa sandaling pagkatapos nito ay nagsisi si Benedicto IX sa kanyang pagbibitiw sa pagkapapa at bumalik sa Roma at kinuha ang siyudad na nanatili sa trono ng papa hanggang Hulyo 1046 bagaman si Gregoryo VI ay patuloy na kinilala bilang tunay na papa. Sa panahong ito, muling inihayag rni ni Papa Sylvester III ang kanyang pag-aangkin sa trono ng papa. Ang haring Aleman na si Henry III, Banal na Emperador Romano ay namagitan at sa Konseho ng Sutri noong Disyembre 1046, sina Benedicto IX at Sylvester III ay idineklarang pinatalsik sa trono ng papa samantalang si Gregoryo VI ay hinikayat na magbitiw na kanyang ginawa. Ang Obispong Aleman na si Suidger ay kinoronahang Papa Clemente II. Gayunpaman, si Benedicto IX ay hindi dumalo sa konsehong ito at hindi tinanggap ang pagpapatalsik sa kanya sa pagkapapa. Nang mamatay si Clemente II noong Oktubre 1047, sinunggaban ni Benedicto IX ang Palasyong Laterano noong Nobyembre ngunit pinatalsik ng mga hukbong Aleman noong Hulyo 1048. Upang punan ang kawalan ng kapangyarihan, si Obispo Poppo ng Brixen ay inihalal bilang Papa Damaso II at pangkalahatang kinilala bilang gayon. Tumanggi si Benedicto IX na humarap sa mga kaso ng simonya o pagbebenta ng pagkapapa noogn 1048 at itiniwalag. Ang kalaunang kapalaran ni Benedicto IX ay hindi alam ngunit maaring iniangat ni Papa Leo IX ang pagbabawal sa kanya. Si Benedicto IX ay inilibg sa Abbey ng Grottaferrata c. 1056. Si Benedicto IX ay karaniwang kinikilala bilang mayroong tatlong mga termino bilang papa:

  • ang una na tumagal mula sa kanyang pagkahalal hanggang sa kanyang pagpapatalsik ng pabor kay Sylvester III(Okt. 1032-Set.1044)
  • ang ikawala mula sa kanyang pagbabalik hanggang sa kanyang pagbebenta ng kapapahan kay Gregoryo VI(Abril-Mayo 1045)
  • ang ikatlo ay mula sa kanyang pagbabalik pagkatapos ng kamatayan ni Clemente II hanggang sa pagdating ni Damaso II(Nob. 1047-Hulyo 1048)

Puno ng kanyang pamilya

[baguhin | baguhin ang wikitext]
 
 
 
 
 
 
 
Theophylact I, Count of Tusculum
864–924
 
Theodora
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
Hugh of Italy
887-924-948
(also married Marozia)
 
Alberic I of Spoleto
d. 925
 
 
Marozia
890–937
 
 
Pope Sergius III
904–911
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
Alda of Vienne
 
Alberic II of Spoleto
905–954
 
David or Deodatus
 
Pope John XI
931–935
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
Gregory I, Count of Tusculum
 
Pope John XII
955–964
 
Pope Benedict VII
974–983
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
Pope Benedict VIII
Pope 1012–1024
 
Alberic III, Count of Tusculum
d. 1044
 
Pope John XIX
Pope 1024–1032
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
Peter, Duke of the Romans
 
Gaius
 
Octavianus
 
Pope Benedict IX
1012–1055

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Coulombe, Charles A., Vicars of Christ: A History of the Popes, (Citadel Press, 2003), 198.
  2. Russel, Bertrand (1945). History of Western Philosophy, p. 412. Simon and Schuster, New York.
  3. Lynne Yamaguchi Fletcher, First Gay Pope, London, 1992
  4. “Post multa turpia adulteria et homicidia manibus suis perpetrata, postremo, etc.”Dümmler, Ernst Ludwig (1891), Monumenta Germaniae Historica, Libelli de lite (sa wikang Latin), bol. I (ika-Bonizonis episcopi Sutriensis: Liber ad amicum (na) edisyon), Hannover: Deutsches Institut für Erforschung des Mittelalters, p. 584, inarkibo mula sa ang orihinal noong 2007-07-13, nakuha noong 2008-01-03{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2007-07-13 sa Wayback Machine..
  5. Victor III, Pope (1934), Monumenta Germaniae Historica, Libelli de lite (sa wikang Latin) (ika-Dialogi de miraculis Sancti Benedicti Liber Tertius auctore Desiderio abbate Casinensis (na) edisyon), Hannover: Deutsches Institut für Erforschung des Mittelalters, p. 141, inarkibo mula sa ang orihinal noong 2007-07-15, nakuha noong 2008-01-03, Cuius vita quam turpis, quam freda, quamque execranda extiterit, horresco referre{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2007-07-15 sa Wayback Machine..