Pumunta sa nilalaman

Benjamin Santos

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si Benjamin S. Santos (1946 - ) ay isang Pilipinong imbentor ng BENSAN Zero-Waste Process na kung saan ito ay binigyang parangal ng World Intellectual Property Organization Gold Medal Award noong 1994.

Personal na Buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Benjamin ay nagtapos ng kanyang M.S. in Engineering-Kemikal sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1966. Hindi pa siya nakuntento doon at muling nag-aral para sa kanyang pangalawang Master's Degree sa pareho pa ring kurso sa North Carolina State University (Unibersidad ng North Carolina). Dito na rin niya tinapos ang kanyang Ph.D. (doctorate degree). Nakapagturo siya sa FEU Chemical Engineering Department at nakapagtrabaho rin sa Texaco Oil Company sa Estados Unidos. Habang siya ay nasa Texaco, kung saan ang kanilang kompanya ay naghuhukay ng mga mina na pinanggagalingan ng mga langis, napagtuunan ni Benjamin ang kahalagahan ng langis. Natayo ay gumagamit ng langis na nagdudulot sa ating mundo ng katulad ng ginagawa ng isang panlabang nukleyar. Tinawag niyang BENSAN Zero-Water Process ang kanyang III naimbento. Nire-recycle niya ang mga nagamit na langis upang wala nang matira pang basura (solid waste). Mas mababa ang halaga nito ng halos kalahati kumpara sa karaniwang ginagamit. Marami ang nagkagusto dito kaya't isang pasilidad sa Kamaynilaan at mga taga-Sydney, Australia ang inaasahang gagamit nito. Mayroon na rin siyang kausap na taga-Oman at Hong Kong na gustong humingi ng lisensiya upang magamit ang kanyang imbensiyon.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.