Berlin Zoo
Petsa noong binuksan | 1844[kailangan ng sanggunian] |
---|---|
Kinaroroonan | Berlin, Alemanya |
Mga koordinado | 52°30′30″N 13°20′15″E / 52.50833°N 13.33750°E |
Sukat ng lupain | 35 ektarya (86.5 akre)[kailangan ng sanggunian] |
Bilang ng mga hayop | 20,219 (Disyembre 2017)[1] |
Bilang ng mga espesye | 1,373 (Disyembre 2017)[1] |
Taunang mga panauhin | Mahigit 3.5 milyon (2017)[1] |
Kasapian | EAZA,[kailangan ng sanggunian] WAZA[kailangan ng sanggunian] |
Websayt | zoo-berlin.de |
Ang Hardin Zoolohiko (Aleman: Zoologischer Garten Berlin ) ay ang pinakalumang nabubuhay at pinakakilalang zoo sa Alemanya. Binuksan noong 1844, sumasaklaw ito sa 35 ektarya (86.5 akre) at matatagpuan sa Tiergarten ng Berlin. May humigit-kumulang 1,380 iba't ibang uri ng hayop at mahigit 20,200 hayop, ang zoo ay nagtatanghal ng isa sa mga pinakakomprehensibong koleksiyon ng mga espesye sa mundo.
Ang zoo at ang akwaryo nito ay may higit sa 3.5 milyong bisita noong 2017. Ito ang pinakabinibisitang zoo sa Europa at isa sa pinakasikat sa buong mundo. Ang regular na pagpapakain ng mga hayop ay kabilang sa mga pinakatanyag na atraksiyon nito. Ang mga hayop na kilala sa buong mundo tulad nina Knut, polar bear, at Bao Bao, ang higanteng panda ay nag-ambag sa pampublikong imahe ng zoo.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Binuksan noong Agosto 1, 1844, ang Zoologischer Garten Berlin ay ang pangalawang zoo sa Alemanya pagkatapos ng panandaliang "Thiergarten" sa Hamburg-Horn. Binuksan ang akwaryo noong 1913. Ang mga unang hayop ay naibigay ni Federico Guillermo IV, Hari ng Prusya, mula sa menagerie sa pulo ng Pfaueninsel at pheasantry ng Tiergarten. Ang kalapit na himpilan ng U-Bahn ay binuksan noong 1882.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 "Das aufregende Jahr 2017 in Zahlen – Inventur in Zoo, Tierpark und Aquarium Berlin" [The Exiting Year 2017 In Numbers – Stocktaking In Zoo, Aquarium And Tierpark]. Zoologischer Garten Berlin's website (sa wikang Aleman). 2 Marso 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Setyembre 2019. Nakuha noong 2 Marso 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga panlabas na link
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Opisyal na website (sa Aleman and Ingles)
Padron:Visitor attractions in BerlinPadron:Zoos of GermanyPadron:Parks in Berlin