Bernardito Auza
Ang Lubhang Kagalang-Galang Bernardito Cleopas Auza | |
---|---|
Apostolikong Nunsyo sa Espaniya | |
Panunungkulan | 1 Oktubre 2019–kasalukuyan |
Hinalinhan | Renzo Fratini |
Mga orden | |
Ordinasyon | 29 Hunyo 1985 |
Konsekrasyon | 3 Hulyo 2008 ni Tarcisio Bertone |
Mga detalyeng personal | |
Kapanganakan | Talibon, Bohol, Pilipinas | 10 Hunyo 1959
Kabansaan | Pilipino |
Denominasyon | Katolikong Romano |
Motto | UT DILIGATIS INVINCEM ("Magmahalan sa isa't isa.") |
Eskudo de armas |
Si Bernardito Cleopas Auza ay isang Pilipinong prelado ng Simbahang Katolika. Siya ay kasalukuyang Apostolikong Nunsyo sa Espanya, itinalaga sa posisyon na iyon noong 1 Oktubre 2019. Bago ito, siya'y nagsilbi siya sa ilalim ng serbisyong diplomatiko ng Banal na Luklukan, pati na rin ang pagiging Palagiang Tagamasid ng Banal na Luklukan sa Mga Nagkakaisang Bansa mula 2014 hanggang 2019.[1]
Unang bahagi ng talambuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Isinilang si Auza noong 10 Hunyo 1959 sa Balintawak, Talibon, Bohol, Pilipinas,[2] ikawalo sa mga labindalawang anak nina Meliton Garcia Auza at Magdalena Polestico Cleopas. Pagkatapos ng paunang edukasyon sa Talibon, siya'y pumasok sa Seminaryo ng Kalinis-linisang Puso ni Maria sa Lungsod ng Tacloban. Pagkatapos pumasok siya sa Pamantasan ng Santo Tomas, Maynila, na nakamit niya ng kanyang Lisensyado sa Pilosopiya noong 1981, Lisensyado sa Teolohiya noong 1986, at Pantas sa Edukasyon noong 1986 din.[3]
Inordenan si Auza bilang isang pari ni Obispo Daniel Francis Walsh ng Katolikong Romanong Diyosesis ng Santa Rosa sa California noong 29 Hunyo 1985.
Sa Pamantasang Pampuntipika ng Santo Tomas Aquino (Angelicum), nakamit niya ang Lisensyado sa Batas-Kanon noong 1989 at Paham sa Banal na Teolohiya noong 1990. Siya ay pumasok sa Pampuntipikang Akademiyang Pang-Eklesiyastika bilang paghahanda para sa tungkuling diplomatiko.[3]
Siya ay pumasok sa serbisyong pandiplomatiko ng Banal na Luklukan noong 1 Hunyo 1990 at nagtrabaho sa Madagaskar at ang Karagatang Timog Indiyano (1990–93), Bulgariya (1993–96), Albaniya (1997–98), ang Kalihiman ng Estado sa Seksyon para sa Mga Kaugnayan sa Mga Estado (1999–2006), at ang Palagiang Misyon ng Banal na Luklukan sa Mga Nagkakaisang Bansa (2006–08).[2]
Apostolikong Nunsyo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 8 Mayo 2008, ipinangalan ni Papa Benedicto XVI si Auza Arsobispong Titular ng Suacia at Apostolikong Nunsyo sa Hayti.[2] Siya ay kinonsagrahan bilang obispo noong 3 Hulyo 2008 ng Kardinal Tarcisio Bertone, Kalihim ng Estado.[4]
Noong 2 Hulyo 2014, itinalaga siya ni Papa Francisco bilang Palagiang Tagamasid sa Mga Nagkakaisang Bansa sa Bagong York na kumakatawang Banal na Luklukan.[5] Noong 16 Hulyo, ang kanyang mga responsibilidad ay lumawak upang upang isama ang tungkulin bilang Palagiang Tagamasid ng Banal na Luklukan sa Samahan ng mga Estadong Amerikano (OAS).[6]
Ang tuntunin ng batas ay dapat na "kapwa may katwiran at moral na nakabatay sa malalaking mga prinsipyo ng katarungan, kasama na ang hindi matatawarang dignidad at halaga ng bawat tao bago ang anumang batas o pinagkasunduan sa lipunan,” sabi ni Arsopispo Auza, ang nunsyo, sa isang pahayag na ginawa sa panahon ng pagpupulong ng lupon sa Pangkalahatang Pagtitipon ng Mga Nagkakaisang Bansa. “Bilang kinahinatnan ng pagkilala sa dignidad na ito, ang mga elemento ng pangunahing katarungan tulad ng paggalang sa prinsipyo ng pagkaligal,” ani ni Arsobispo Auza, “ang pagpapalagay ng kawalang-sala at ang karapatan sa angkop na proseso.” Sa mga bansa, idinagdag niya, ang tuntunin ng batas ay dapat na nangangahulugan “ang pinakamahalagang paggalang sa karapatang pantao, pagkakapantay-pantay ng mga karapatan ng mga bansa; at paggalang sa pandaigdigang batas pangkaugalian, mga kasunduan ... at iba pang mga mapagkukunan ng pandaigdigang batas. Ang kahulugan na ito, kasama ang sangguniang pagtutok sa likas na batas, ay tumabi sa mga sangguniang tumutukoy sa sariling sanggunian at dinuduong ang pag-aangkop ng tuntunin ng batas sa loob ng panghuli at mahahalagang hangarin ng lahat ng batas, lalo na upang itaguyod at garantyahin ang dignidad ng tao at ang kabutihang panlahat.”[7]
Sa parehong talumpati ay nabanggit niya ang pag-asa ng Batikana na "ang nakakaalarma, lumalaking kababalaghan ng internasyonal na terorismo, bago sa ilan sa mga pagpapahayag nito at lubos na walang awa sa kanyang kabastusan, ay isang okasyon para sa isang mas malalim at mas kagyat na pag-aaral sa kung paano ipatupad muli ang pandaigdigang panghukumang balangkas ng isang maraming panig na aplikasyon ng ating karaniwang responsibilidad upang isanggalang ang mga tao mula sa lahat ng uri ng hindi makatarungang pananalakay."[8]
Ang kanyang pagtatalaga sa OAS ay nagtapos noong 31 Agosto 2019.[9]
Itinalaga siya ni Papa Francisco bilang apostolikong nunsyo sa Espanya at sa Andora noong 1 Oktubre 2019[10]
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Mga Nagbitiw at Mga Pagtatalaga, 01.10.2019" (Nilabas sa mamamahayag). Tanggapan ng Pahayagan ng Banal na Luklukan. 1 Oktubre 2019. Nakuha noong 16 Nobyembre 2019.
{{cite nilabas sa mamamhayag}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 "Rinunce e nomine, 08.05.2008" (Nilabas sa mamamahayag) (sa wikang Italyano). Holy See Press Office. 8 Mayo 2008. Nakuha noong 25 Hunyo 2019.
{{cite nilabas sa mamamhayag}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 Gaggliarducci, Andrea (11 Hulyo 2014). "Bagong Tagamasid ng Mga Nagkakaisang Bansa mula Batikana Haharapin ang Pangunahing Hamon". Pambansang Rehistrong Katoliko. Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-06-24. Nakuha noong 25 Hunyo 2019.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Homiliya ni Kardina Bertone sa pagtatalagang episkopal nina Arsobispong Vacchelli at Auza". Agenzia Fides. 7 Hulyo 2008. Nakuha noong 25 Hunyo 2019.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Rinunce e nomine, 02.07.2014" (Nilabas sa mamamahayag) (sa wikang Italyano). Holy See Press Office. 2 Hulyo 2014. Nakuha noong 25 Hunyo 2019.
{{cite nilabas sa mamamhayag}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Rinunce e nomine, 16.07.2014" (Nilabas sa mamamahayag) (sa wikang Italyano). Holy See Press Office. 16 Hulyo 2014. Nakuha noong 25 Hunyo 2019.
{{cite nilabas sa mamamhayag}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Ang nunsyong Batikano nakiusap sa Mga Nagkakaisang Bansa na magtaguyod ng kahulugan ng 'tuntunin ng batas'". Catholic Herald. 15 Oktubre 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-07-30. Nakuha noong 14 Disyembre 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Pahayag ni Arsobispo Auza sa Ika-69 na Sesyon ng Pangkalahatang Pagtitipon ng UN, Bagog York". Zenit News Agency. 21 Oktubre 2014. Nakuha noong 14 Disyembre 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Mga Nagbitiw at Mga Pagtatalaga, 31.08.2019" (Nilabas sa mamamahayag). Tanggapan ng Pahayagan ng Banal na Luklukan. 31 Agosto 2019. Nakuha noong 31 Agosto 2019.
{{cite nilabas sa mamamhayag}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Mga Nagbitiw at Mga Pagtatalaga, 01.10.2019" (Nilabas sa mamamahayag). Tanggapan ng Pahayagan ng Banal na Luklukan. 1 Oktubre 2019. Nakuha noong 16 Nobyembre 2019.
{{cite nilabas sa mamamhayag}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga titulo ng Simbahang Katoliko | ||
---|---|---|
Sinundan: Richard Pates |
Arsobispong Titular ng Suacia 2008–kasalukyan |
Kasalukuyan |
Diplomatic posts | ||
Sinundan: Mario Giordana |
Apostolikong Nunsyo sa Hayti 2008–2014 |
Susunod: Eugene Nugent |
Sinundan: Francis Assisi Chullikatt |
Palagiang Tagamasid ng Banal na Luklukan sa Mga Nagkakaisang Bansa 2014–2019 |
Susunod: Gabriele Giordano Caccia |
Sinundan: Renzo Fratini |
Apostolikong Nunsyo sa Espaniya 2019–kasalukuyan |
Kasalukuyan |
- Ipinanganak noong 1959
- Mga Apostolikong Nunsyo sa Hayti
- Mga Apostolikong Nunsyo sa Espanya
- Mga Apostolikong Nunsyo sa Andora
- Mga Katolikong Romano arsobispong titular
- Mga obispong Pilipino
- Mga mamamayan mula Bohol
- Palagiang Tagamasid ng Banal na Luklukan sa Mga Nagkakaisang Bansa
- Palagiang Tagamasid ng Banal na Luklukan sa Organisasyon ng mga Estadong Amerikano
- Mga nagtapos ng Pampuntipikang Akademiyang Pang-Eklesiyastika
- Mga nagtapos ng Pamantasang Pampuntipika ng Santo Tomas Aquino